Tamang Pag Pili sa Inahing Baboy
Ito yung tamang pag pili sa dumalagang baboy na gagawing inahin.
*Sa edad na 4-5 buwan pwede na pumili ng pamalit lahi. Yung iba 2-3 buwan pipili na sila tapos 4-5 buwan titignan kung pasado ba na pamalit lahi.
Maganda gawin inahin ang baboy kung;
*Ang lahi ay marami mag anak.
*7 pares na suso at pantay ang agwat.
*Buhay na suso at hindi inverted.
*Mahabang productive life.
*Matibay ang likod, kuko at paa.
*Mabilis lumaki ang lahi.
*Magandang bulas ang lahi.
*Matipid sa pagkain.
*Maganda katawan.
*Quality na laman.
*Mahaba ang katawan at may arko sa likod.
*Katamtaman haba ng paa at pantay na kuko.
*Maayos na laki at posisyon ng ari.
Ilan lang yan sa mga tips na dapat tignan kung maghahanap ng dumalaga na gagawing inahin.
Piliin ang lahi na Large White – naka taas ang tenga.
o Landrace – nakatakip ang tenga sa mata.
Para sa kompletong guide sa pag iinahin at biik eto basahin nyo po “mamapig guide“
https://www.alagangbaboy.com/paano-gumawa-ng-inahing-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-10.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-10-150x150.jpegGestating / Farrowinginahing baboyIto yung tamang pag pili sa dumalagang baboy na gagawing inahin. *Sa edad na 4-5 buwan pwede na pumili ng pamalit lahi. Yung iba 2-3 buwan pipili na sila tapos 4-5 buwan titignan kung pasado ba na pamalit lahi. Maganda gawin inahin ang baboy kung; *Ang lahi ay marami mag anak. *7 pares...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
May lumabas na parang malasadong itlog na puti sa mama pig ko 5 days after ma ai.
Normal lang yan boss, sundin mo lang guide natin sa pag iinahin para hindi makunan, nasa baba pang #1 sa list ng guide.
Maraming salamat po doc
Laylay Po Ang tiyan ng inahin. At para Hindi nagbabago Ang Dede nya. Hindi po banat Ang tiyan. 86 days sya today. Tinurukan lang Po sya ng pampalandi Nung July 15 tapos July 17 AI na po
Sa 86 days dapat sure na sa tiyan palang malalaman na kung buntis. Subukan mo kapain kung may biik na gagalaw. Hindi kasi lahat ng tinurukan ng pampalandi ay successful lalo na kung mali ang paraan ng pag aalaga at preparasyon. Ang sundin mo yung pang #1 sa guides naten.