Pagpurga sa Baboy
Bawat klase ng bulate ay may masamang epekto sa kalusugan ng baboy. Hindi lang sa bituka kundi pati na din sa balat ay agad na makikita kung ang baboy ba ay kailangan ng purgahin.
Uri ng Bulate
*Large roundworm – binubutas ang bituka, sinisira ang atay at baga ng baboy.
*Nodular worm – naninirahan sa bituka ng baboy, babagal sa pagtunaw ng pagkain at pumapayat ang baboy.
*Threadworm – naninirahan sa bituka ng baboy, tutuloy sa suso at lilipat sa biik, sanhi ng pagtatae ng biik at 75% ng biik ay maaaring mamatay.
Gamot Pam Purga (deworm)
1. Latigo 1000 powder – 5g at 10g.
2. Agmectin powder 2g at 5g.
3. Ivermectin Inject Solution.
*Ang Latigo 1000 powder ligtas gamitin pampurga kahit sa buntis na inahing baboy.
1 week after iwalay ang biik ay purgahin ng Latigo 1000 powder ihalo sa feeds ipakain sa umaga. 10g good for 10 piglets.
Usual schedule ng pag purga sa biik ay 30 days old awatin. 35 days old purgahin. 36 days old bigyan ng b complex 2 ml para gumana sa pagkain.
Sa umaga ang purga at ihalo sa isang dakot na feeds kada isang baboy. Mapaet kasi ito at hindi nila makakain kung busog.
Grower Stage – Purgahin ng Latigo 1000 powder 10g para sa (3) heads fattener grower.
2 weeks bago kastahan ang dumalaga purgahin ng Latigo 1000 powder 10g.
2 weeks bago manganak ang baboy (105 days) purgahin ng Latigo 1000 powder 10g.
Agmectin 5g at 10g
One 5g sachet can treat:
- 10 pigs – 10-15kg Body Weight.
- 6 pigs – 16-25kg BW
- 5 pigs – 26-30kg BW
- 4 pigs – 31-37kg BW
- 3 pigs – 38-50kg BW
- 2 pigs – 51-75kg BW
- 1 pig – 76kg BW and up
Two 5g sachets needed to treat 1 pig weighing 151kg BW and up.
Mas accurate mag purga sa paraan ng inject try ivermectin 0.1 ml kada 2 kg timbang ng baboy.
Tamang Oras ng Pag Purga
6am ng umaga para ang biik o baboy ay gutom pati na rin ang mga parasites or uod sa loob at labas ng katawan ng baboy ay gutom at makakain nila agad ang gamot pampurga at sila ay mamamatay sa gamot. Hindi kasi makakain ng parasites ang gamot pampurga kung ang baboy ay busog ganon rin sila. Ang mga parasites kasi na ito tulad ng uod ay sumisipsip sa nutrisyon na pumapasok sa tiyan ng baboy.
Withdrawal Period – 30 days after mag purga ay safe na kainin ang karne ng baboy.
Kapag ang baboy ay may sakit sa balat tulad ng galis, buni, ringworms dapat ito sprayan ng combinex dichlofenthaion sa mga sugat araw araw para gumaling ang sugat na binabahayan ng parasites o bulate.
Para naman hindi magkasakit sa balat ang mga baboy o hindi kumalat ang infection o parasite sa kulungan dapat rin mag disinfect gamit ang microban gt every month. Paki basa itong guide natin para sa tamang “Disinfection & Biosecurity“.
Pwede bang pagsabayin ang purga at vitamins?
6am ang pag purga dapat gutom sila para gutom rin ang mga parasites na nasa loob ng katawan ng baboy na sumisipsip sa nutrisyon nito at para tumalab ang gamot na pang purga. Ang unang kain naman ay mga 12 pm onwards. After 2 days na pagtapos purgahin pwede na sila i vitamins ng bexan sp 2 ml.
Kaya hindi yan pwedeng sabay kasi vitamins ay nutrisyon na pumapasok sa katawan ng baboy sinisipsip yan ng mga uod o parasites.
Bawal ba maligo matapos mag purga?
Biik edad 35-85 days old from birth – kung pinurga mo today mga after 2-3 days pa sya pwede maligo dahil pwede sya magtae dahil sa stress ng gamot pampurga.
Baboy na may edad 86 days old pataas or grower stage, dumalaga, inahin, barako, buntis na baboy ay pwede na ito maligo matapos purgahin. Hindi na sila tinatablan ng stress mula sa gamot pampurga na pwede rin magdulot ng pagtatae. Paliguan at linisan ang balat ng baboy para maalis ang parasite sa balat at sugat ng baboy.
https://www.alagangbaboy.com/pagpurga-sa-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2023/05/images.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2023/05/images-150x150.jpegPiglet / FattenerDeworming,pagpurgaBawat klase ng bulate ay may masamang epekto sa kalusugan ng baboy. Hindi lang sa bituka kundi pati na din sa balat ay agad na makikita kung ang baboy ba ay kailangan ng purgahin. Uri ng Bulate *Large roundworm - binubutas ang bituka, sinisira ang atay at baga ng baboy. *Nodular worm...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Gud eve tanong q lng po…nong ika 105 days ng pagbubuntis ni mama pig..nagpurga ako…..kelan po ulit aq magpupurga??
Kapag inawat na sa biik.
Ano po Ang dapat igamot sa mga biik na may sugat sugat sa balat na parang bilog bilog 20 days na po sila