Awatin ang biik sa edad na 28 – 30 days old o kung ito ay malakas na kumain.

35 days old purgahin ang biik.

37 days old bigyan ng vit. b complex para gumana sa pagkain.

Ang tamang paraan ng pag-wawalay ay unang aalisin ang inahin sa kulungan (farrowing pen) at ititira ang mga biik sa farrowing pen upang hindi ma stress ang mga biik. Pagkatapos ng 2 – 3 araw ay pwede ng ilipat ang mga biik sa weaning pen (nursery).

Paano mag Awat ng Biik

Ang pagwawalay ay itinuturing na pinaka stressful na pangyayare sa buhay ng isang baboy dahil sa mga pagbabago ng kanilang pantunaw at biglang pag hina ng resistensya.

3 mahalagang bagay na dapat malaman sa pag aawat ng Biik.

#1. Kulang ang acidity sa tyan ng biik kung saan ito ang tumutunaw sa protein at pumapatay sa bacteria sa loob ng tyan.

Sa panahon ng pagwawalay, ang acidity level sa tyan ng biik ay bumababa at pumapabor sa pagdami ng bacteria tulad ng e. coli na hindi angkop sa pantunaw ng biik kaya’t ang mga biik ay nakararanas ng pagtatae (scouring) at mabagal na paglaki sa panahon ng pagwawalay (post weaning lag).

#2. Hindi pa mature ang digestive system ng mga biik. Sa edad na 4 – 5 weeks bumababa na ang kakayanan ng biik na tumunaw ng gatas. Hindi rin naman sapat ang enzymes sa bituka ng biik na tumutunaw sa matigas na feeds (pellet).

Dumadami ang masamang bacteria tulad ng e. coli at salmonella sa bituka ng biik dahil sa;

Kulang ang gastric acid na syang pumapatay sa bacteria sa tyan ng biik. Mabilis din dumami ang bacteria kung mababa ang acidity ng tyan.

Hindi sapat ang enzyme na galing sa bituka. Dahil dito, hindi lahat ng feeds ay natutunaw sa bituka at kinakain naman ng bacteria. Patunay nito ang kulay puting chalk kasabay ng pag ihi.

#3. Hindi pa fully develop ang immunity ng biik kaya madali sila kapitan ng sakit.

Over feeding Issue – Pwede naman mag over feeding kung naka feeder tool kayo. Ang problema hindi pa sapat o hindi pa handa ang tyan nila para sa madaming feeds kaya maipapayo namin na bigyan lang sila ng sapat na dami ng pagkain at hindi unli feeding sa araw araw. Madalas at hindi kulang. Hindi naman yung over feeding ang problema talaga dahil ang problema ay hindi pa fully develop ang pantunaw ng biik.

Tamang Pagpapakain

Mula 5 days old start na kayo mag turo kumain sa biik gamit ang booster pellet. Hanggang sa edad na 35 days old sa ganong tagal ay possibleng makaubos ng 8 kilo na booster pellet (panturo kumain) ang 10 heads na biik. Prestarter Pellet ang susunod na kakainin ng mga biik. Dapat mga 30 days old palang nag start na kayo mag halo ng pre starter pellet sa pagkain nila na booster pellet. Dagdag ka sa bago (prestarter) at mag bawas naman sa luma (booster). (7) days po ang shifting dahan dahan mag bawas sa luma at mag dadag naman sa bago araw araw hanggang sa mag 100% pre starter pellet napo kakanin nya.

Babala: Kapag (1) day lang bigla kayo nag palit ng feeds, ang biik nyo ay magtatae at hindi po sila kakain. Kaya importante ang 7 days shifting.

Booster: 5-35 days (8 kilo for 30 days)
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day

Basahin nyo itong Fattener Feeding Guide natin.

Ano ang dapat gawin?

Awatin ang biik sa edad na 30 days old. Ilipat ito sa weaning pen pagkatapos ng 2-3 araw. Mula sa araw ng awat (30 days old) purgahin ang biik pagkatapos ng 1 linggo o 3-5 araw pagka awat.

Ano ang dapat gawin?

Mula 30 days old hanggang 1 linggo na araw ng pag purga, bigyan ng Apralyte ang Biik, ihalo sa inumin tubig araw araw. Ito ay pangkondisyon, may dagdag electrolytes at kontra pagtatae sa biik. Iwas din sa Stress.

Sabayan pa ng electrogen d+ or digestaide kasama ang apralyte sa inuman.

Ngayon alam nyo na ang tamang pag awat. Iwasan muna mag inject dahil ito ay nakaka stress sa biik. Ang sobrang stress ay nagdudulot din ng pagtatae sa biik. At bawal din paliguan ang biik hanggang sa edad 60 days old from birth dahil posible itong magtae. Maaalala sa isang guide natin na mabilis dumami at makahawa ang bacteria kapag lagi basa ang sahig.

Eto pa yung ibang pwedeng gamot sa pagtatae ng biik. Water Soluble Ant*b**tics tulad ng;

Aquadox at Dime + Chlortetra

Kung gusto nyo mabasa ang kompletong guide sa pag iwas at gamot sa pagtatae ng biik na sumususo ay punta lang po kayo dito ” Gamot sa Pagtatae ng Biik na Sumususo“.

Kung gusto nyo naman matutunan ang tamang feeding guide para sa biik mula edad 1 day old – hanggang sa ito ay i harvest (120+ days old) Basahin at sundin itong “Fattener Feeding Guide“.

https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG_20221122_152053.jpghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG_20221122_152053-150x150.jpgAdministratorPiglet / Fattenerbiik,piglet,weanling pigAwatin ang biik sa edad na 28 - 30 days old o kung ito ay malakas na kumain. 35 days old purgahin ang biik. 37 days old bigyan ng vit. b complex para gumana sa pagkain. Ang tamang paraan ng pag-wawalay ay unang aalisin ang inahin sa kulungan (farrowing pen) at ititira...Gabay sa Tamang Pag-aalaga ng Baboy