Gamot sa Pagtatae ng Biik
Tulad ng palagi namin sinasabi ay walang gamot na gagana o magiging epektibo sa isang biik o baboy na nagtatae kung hindi mo aalamin at aalisin ang sanhi o dahilan ng pagtatae nila.
Piglet Scouring – ito ay ang pagtatae ng sumususong biik.
Alam nyo ba na ito ay high morbidity (nakakahawa) at madalas tumama sa biik. Ito rin ay high mortality (nakakamatay) kung hindi magagamot ng tama dahil sa dehydration.
Sintomas
*Namamayat ang biik
*Dumi na may dugo
*Madilaw at matubig na dumi
*Giniginaw o Nilalamig
Ang mga bagong panganak na biik ay may mahinang depensa sa bituka laban sa bacteria. Ang tanging depensa nila ay ang antibodies na galing sa colostrum ng gatas mula sa inahin.
Ngayon alam na natin na pangunahing sanhi ng pagtatae sa biik ay Bacteria.
Kaya mahalang regular na makasuso ang biik para sa sapat na ant*bodies laban sa pumapasok na bacteria sa katawan ng biik.
Malamig na Panahon – Ang stress dulot mula sa malamig na panahon ay nakakababa rin ng resistensya ng biik.
Pwede mangyari ang piglet scouring anu mang araw ng pagpapasuso ngunit madalas ito mangyare sa unang linggo pagkapanganak ng biik.
Senyales ng Piglet Scouring
*Kumpol kumpol ang mga biik sa isang sulok na parang giniginaw.
*Basa ang puwitan ng kulay gatas o kulay dilaw na lusaw na dumi.
*Payat ang katawan.
Gamot sa Piglet Scouring
*Apralyte ang isa sa pinaka mabisang gamot sa pagtatae ng biik. Powder ito na ihahalo sa inumin tubig ng biik. Kung ang biik ay hindi pa marunong uminom ng tubig ay pwede gumamit ng plastic syringe gamitin ito para direktang ipainom sa biik.
Dosage para sa biik na dumedede. Ihalo ang apralyte 6g sa 40 ml na inumin tubig. Ipainom ang 1 ml per 1 kg bigat ng biik sa loob ng 3-5 days. Once a day. Para sa lahat ng biik.
Dosage para sa bagong awat na biik. Ihalo ang apralyte 6g sa 1 gallon na inumin tubig. Good for 5-6 heads na biik sa ganitong edad ay marunong na sila dapat uminom ng tubig. Ibigay sa loob ng 3-5 days.
*Magbigay rin ng electrolytes na ihahalo sa inumin tubig katulad ng electrogen d+. Dehydration kasi ang papatay sa mga biik kaya dapat ay may electrolytes sila sa inumin habang nagtatae.
Dosage
Prevention, Maintenance, Anti Stress: 3g powder ihalo sa 1 gallon inumin tubig. 3-5 days.
Sakit at Pagtatae: 6g powder ihalo sa 1 gallon inumin tubig. 3-5 days.
*Iwasang mabasa ang biik at panatilihing tuyo ang kulungan dahil mabilis kumalat ang bacteria sa basa na sahig. Maaari din gumamit ng plastic floor matting para mapanatiling tuyo ang sahig.
*Maglagay ng 24/7 heat lamp (brooder) na may 100 watts dilaw na ilaw para dagdag init sa malamig na panahon. Huwag aalisin mula day 1 – day 14. Sa ika day 15 pataas ay limitahan ito sa tanghali, depende sa panahon o lamig ng klima.
Pwede ka gumamit ng lona o sako para dagdag harang sa malamig na hangin sa gabi.
*Kung sila ay naka farrowing pen, maaaring gumamit ng sako upang palibutan ang kulungan ng biik para hindi lamigin.
*Subukan rin ang gamot na TMPS Pig Doser. Direkta itong spray sa bibig ng biik para mainom ang gamot. Sangkap nito ay antibiotic na papatay sa bacteria sa bituka ng biik.
*Water Soluble ant*b**tics tulad ng Aquadox at Dime + Chlortetra.
*Pwede rin naman mag inject ng ant*b**tic tulad ng oxytetra la ngunit ito ay iniiwasan sapagkat maaari ito makadagdag stress sa biik at mag resulta sa paglala ng pagtatae.
*Magdisinfect ng kulungan at flooring isang araw bago manganak ang inahin para mapatay ang mga bacteria. Tandaan na mabilis kumalat, mabuhay at makahawa ang mga bacteria sa basang sahig.
Subukan ang Microban GT pang disinfect. Linisin naman ang sahig at iba pang kagamitan gamit ang Major D.
Kung gusto nyo matuto ng tamang pag disinfect basahin nyo itong guide na “Biosecurity“.
Bakit mahalaga na mag disinfect isang araw bago manganak ang baboy?
Upang makaiwas sa iba’t ibang sakit ang biik tulad ng;
*Sakit sa balat – “Greasy Pig Disease”
*Pamamaga ng tuhod o kasu kasuan – “Piglet Joint Arthritis”
*Pangingisay ng Biik – Tetanus Infection.
*Feet Paddling – Meningitis.
Tanong – Bakit po nagtatae ang bagong walay o bagong bili naming biik at ano ang gamot dito?
Heto ang solusyon sa Pagtatae ng Bagong awat na Biik. (Click here)
https://www.alagangbaboy.com/pagtatae-ng-biik/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-54.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-54-150x150.jpegDisease / Vaccine / Vitaminspagtatae ng biik,piglet scouring,scouringTulad ng palagi namin sinasabi ay walang gamot na gagana o magiging epektibo sa isang biik o baboy na nagtatae kung hindi mo aalamin at aalisin ang sanhi o dahilan ng pagtatae nila. Piglet Scouring - ito ay ang pagtatae ng sumususong biik. Alam nyo ba na ito ay high morbidity...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
marami na po akong nasubukang gamot nga pagtatae ng biik sir pero parang wala pong umuubra po
Hindi gagana ang gamot kapag hindi inalis ang cause ng pagtatae.