Ito ang pinaka madalas na sakit na makikita sa mga biik at fattener na baboy. Pinaka mahirap kontrolin dahil mabilis makahawa sa kapwa baboy kung hindi agad i quarantine ang may sintomas sa sakit.

Pneumonia sa Baboy

*Mycoplasma Hyopneumoniae – pangunahing bacteria sa sakit na pneumonia.

*Ang pneumonia ay maaaring nag mula sa hangin (airborne) dala ng carriers o baboy na mula sa ibang farm, stress at mahinang katawan at tuwing tag ulan.

Mga Palatandaan

*Ubo – kung higit sa 1 ubo kada 10 minuto sa bawat 10 baboy ang naririnig ay maaaring may pneumonia ang baboy.

*Thumping – mabilis na paghinga ng baboy na umaalon ang tyan, higit sa 40 paghinga bawat minuto at may mataas na ubo bawat 10 minuto ay maaaring may pneumonia ang baboy.

*Hindi pantay pantay na paglaki.

*Makapit na amoy sa damit.

*Sipon na tumutulo sa ilong ng Baboy.

*Mataas na lagnat.

Bakuna laban sa Pneumonia

*Mycoplasma Respisure – magbigay ng bakuna (respisure 2 ml) sa edad na 21 days old na biik o kaya ay 2 shots na hahatiin sa edad na 7 days old (1 ml) at 21 days old (1 ml) na biik. At 6 days matapos manganak ibigay rin ito sa inahin 2 ml.

 

*Pwede rin magbigay ng long acting ant*b**tic tulad ng oxytetra La 1 ml per 10 kg weight, para makontrol ang mga sintomas at mapatay agad ang bacteria.

*Bigyan rin ng water soluble ant*b**tic tulad ng vetracin ultima 3-5 days halo sa inuman para sa mucolytic effect o para lumambot ang plema.

 

*Mag inject ng Ecolmin, bilang expectorant o para kusang lumabas ang plema.

 

Bawal maligo, Bawal mabasa, at palagi po tayo mag disinfect ng flooring. Marami at mabilis kumalat ang bacteria sa laging basa ang sahig.

Ang mga biik na may edad 60 days pababa ay iniiwasang liguan ng matagal dahil prone pa ito sa ubo at sipon.

Kung hirap na huminga ang baboy dahil sa pamamaga ng daanan ng hangin ay mag inject ng dexamethasone or DTC na gamot.

 

Sa biik at inahin para maka iwas sa sakit sundin nyo guide naten sa pag iinahin kasama kompletong bakuna list, basahin nyo sa “Guide sa Pag iinahin

https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-12-2.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-12-2-150x150.jpegAdministratorDisease / Vaccine / VitaminsMycoplasma,pneumonia,Sipon,UboIto ang pinaka madalas na sakit na makikita sa mga biik at fattener na baboy. Pinaka mahirap kontrolin dahil mabilis makahawa sa kapwa baboy kung hindi agad i quarantine ang may sintomas sa sakit. *Mycoplasma Hyopneumoniae - pangunahing bacteria sa sakit na pneumonia. *Ang pneumonia ay maaaring nag mula sa hangin...Gabay sa Tamang Pag-aalaga ng Baboy