Lahi ng Baboy
Mahalagang malaman ang iba’t ibang lahi ng baboy para makapamili ng maayos kung ito ba ay gagawing inahin o fattener.
Ph Native Pig – kulay itim, bansot, malaki tiyan, mahaba ang mukha. Kadalasan ginagamit na pang lechon dahil sa sukat nito. Maaari din i crossbreed ang itim na native sa puti na lahi sa pamamagitan ng a.i o artificial insemination.

Ang mga puting lahi ng baboy naman (pure breed) ay nahahati sa (4) klasi na lahi.
Landrace – puti at nakatakip ang tenga sa mata ng baboy. Mahaba na balingkinitang katawan na may kahinaan ang mga paa. Maraming biik ang inaanak, magaling mag alaga ng biik, matipid sa pagkain at mabilis lumaki.

Large White – puti at nakatindig ang tenga. Malapad ang katawan at mukha. Magaling mag alaga ng biik, malakas ang gatas, marami manganak, matipid sa pagkain at mabilis lumaki.

Duroc – brown at maliit ang tenga medyo nakababa. Matibay ang paa, matibay sa sakit, mabilis lumaki.

Pietrain – puti na may batik na itim. Nakatindig ang tenga, maganda katawan, maganda kalidad ng laman, mahina lumaki kumpara sa large white at landrace at medyo mahina sa stress.

*Crossbreeding – pinagsasama sama ang may magagandang lahi para makabuo ng mahusay na inahin o mabilis lumaki na fattener at para makuha ang magandang katangian ng lahi ng baboy.
Kayo po ano ang ginagamit nyong lahi para gawing inahin? Ano rin ang madalas nyong bilhin na biik para gawing fatteners?
https://www.alagangbaboy.com/lahi-ng-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-15.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-15-150x150.jpegGestating / Farrowingduroc,Lahi ng baboy,landrace,large white,pietrainMahalagang malaman ang iba't ibang lahi ng baboy para makapamili ng maayos kung ito ba ay gagawing inahin o fattener. Ph Native Pig - kulay itim, bansot, malaki tiyan, mahaba ang mukha. Kadalasan ginagamit na pang lechon dahil sa sukat nito. Maaari din i crossbreed ang itim na native sa...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Yung sakin puti na may batik batik na itim at brown, Yung Pietrain. First time namin magka inahin, 10pcs biik namatay ang isa, pagka 15days, bigla namatay ang mama pig namin 😢, hindi namin alam kung ano dahilan, bigla lang talaga pagka matay nya. Buti yung mga biik, naka survive, 9 sila at malalakas na sila, ang sarap nila alagaan 🥹, ang babait na makukulit ☺️. Mana sila sa ina nila.
Paano po yun nanay ksi ng baboy ko landraceXpietrain po . Tpos ggwin ko inahin po yun baboy ko . Ok lang po ba yun ??
Oo ok lang basta pasado sa criteria ng pag iinahin.
Maganda pietrain x landrace para sa fattener
Mas maganda if fattener Landrace o large white Ang inahin den palahian mo Ng pure durok..