Umbilical Hernia – ito ay ang pag luslos ng bituka ng baboy sa tapat ng kanyang butas sa pusod dahil sa manipis o hindi pag sara ng abdominal linings o laman sa loob ng tiyan na nasa tapat ng pusod kaya ang bituka ng baboy ay bumababa o lumuluslos.

Umbilical Hernia

Scrotal Hernia – ito ay ang pag luslos ng bituka ng biik papunta sa pinag alisan ng itlog matapos mag kapon. Nangyayare ito kapag mali ang paraan ng pagkakapon.

Scrotal Hernia

Masakit po ito at kung minsan ay namamaga lalo sa mga starter stage kaya ang baboy ay nawawalan ng gana kumain, tumatamlay at nababansot dahilan para sila ay maiwan at gagawin na lamang lechon ng mga nag aalaga.

Ang luslos sa pusod ay maaaring namamana (hereditary) o maaaring dahil sa infection sa pusod.

Gamot at Pag iwas

Wala pang gamot sa luslos ngunit pwede ito dalhin sa veterinaryo o doctor sa hayop para ma operahan. Kung may sugat dapat ito gamotin ng betadine araw araw o combinex spray oxytetracycline para makaiwas sa infection.

Dapat rin mag disinfect ng sahig gamit ang microban gt bago ipanganak ang biik para mapuksa ang bacteria o virus sa sahig na maaaring mag dulot ng infection sa sugat ng baboy.

Isagawa rin ang proper umbilical cord dressing. Mag iwan ng 1 inch na haba ng pusod bago ito putulin, talian ng sinulid at i betadine.

Tahiin ang balat sa pwetan na pinag alisan ng itlog kung kinakailangan para hindi lumuslos ang itlog ng bagong kapon na baboy.

Iwasan ma stress, habulin, paiyakin, buhatin ang mga biik na bagong kapon para hindi lumusot ang bituka nito sa bagong alis na itlog mula sa abdominal pressure at pag sigaw ng biik.

Siguraduhin na tama ang paraan ng pagkakapon at gumamit ng betadine sa sugat ng biik.

Kontra masakit at infection – pwede bigyang ng premix antibiotic ang baboy tulad ng amoxil, vetracin gold at para v powder.

https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2024/03/IMG_20240304_092918-768x1024.jpghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2024/03/IMG_20240304_092918-150x150.jpgAdministratorPiglet / Fattenerhernia,Luslos,scrotal hernia,umbilical herniaUmbilical Hernia - ito ay ang pag luslos ng bituka ng baboy sa tapat ng kanyang butas sa pusod dahil sa manipis o hindi pag sara ng abdominal linings o laman sa loob ng tiyan na nasa tapat ng pusod kaya ang bituka ng baboy ay bumababa o lumuluslos. Scrotal...Gabay sa Tamang Pag-aalaga ng Baboy