Fattener Feeding Guide
Ang pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki.
Paraan ng Pagpapakain sa Fattener
Ad Libitum – ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder equipment.
Advantage ng Ad Libitum
1. Mas mabilis lumaki ang baboy.
2. Hindi nag aaway sa pagkain.
3. Medyo maaksaya sa pagkain.
4. Kumakapal ang taba lalo na kung hindi maganda ang lahi at hindi gumamit ng finisher feeds.
Restricted Feeding – kinokontrol ang dami ng binibigay na pagkain.
Advantage ng Restricted Feeding
1. Tipid sa pagkain.
2. Magandang kalidad ng karne.
3. Mabagal lumaki.
4. Hindi pare pareho sa paglaki.
5. Matrabahong magpakain.
Ipinapayo na gawing Ad Libitum Feeding ang pagpapakain mula booster hanggang starter stage.
Gawing Restricted Feeding naman pagdating ng grower hanggang finisher stage.
Pagdating ng 50-60 kg Restricted Feeding na ang ginagawa upang maiwasan ang pagkapal ng taba at maganda ang kalidad ng karne.
Fattener Feeding Guide
Eto po ang recommended namin na feeding guide para sa fattening incase restricted feeding ang susundin nyo.
Booster: 5-35 days (8 kilo for 30 days)
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day.
Yan ay base sa 1 head ng fattener, so multiply nyo nalang kung ilan alaga nyong fattener.
Note: bawat brand name ng feeds ay may kanya kanyang feeding guide nakasulat sa papel ipinamimigay po yan ng ahente ng tindahan, agri store or kung saan kayo naka bili ng feeds kasama po ang papel na yon na ipinamimigay at kung minsan ay naka tahi sa sako ng feeds or naka dikit sa sako ng feeds.
Eto pa isang tip tungkol sa Tamang Sukat ng Kulungan para sa Fattener.
https://www.alagangbaboy.com/fattener-feeding-guide/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66-150x150.jpegPiglet / Fattenerfattener,feeding guideAng pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki. Paraan ng Pagpapakain sa Fattener Ad Libitum - ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
What if po ung pambenta lng, hindi gagawing mamapig.. ilang buwan po dapat ibenta at ilang kilos dapat.
halo po tanong lng po medyo may kalituhan kc…
sa booster po ba 8kilos per head po ba? or 8 kilos per 10 heads tnx…
8 kg. Sa 10 heads na yon
Tanong lng po pa guide po pra sa vitamins at pag purga salamat po
Madami tayo guides magbasa ka nalang muna para matutunan mga basic.