Paglulugon or Paglalagas ng Baboy
Mga Dahilan ng Paglulugon o Paglalagas ng Baboy
*Zinc Deficiency
*Mange (galis) sakit sa balat
Palatandaan ng Paglulugon
*Naglalagas ang balahibo
*Dry at Cracked Skin
Madalas maranasan ang paglulugon o paglalagas ng Baboy sa mga inahin na bagong awat sa mga biik.
Other words “malnourish” ang baboy mo dahil sa nakuha lahat ng biik ang sustansya mula sa gatas. Kaya huwag mo pabayaan ang inahin na pumayat.
Kapag hindi sapat ang dami ng pagkain na lactation feeds at nagkaroon ng mababang nutrients at iba pang minerals ay namamayat ang inahin na dahilan rin ng pagbaba ng zinc sa katawan ng Baboy at nagdudulot ng pagkalagas ng balahibo at pagka tuyot ng balat.
Kung payat ang inahin, palatandaan ito na kulang sa nutrisyon ang baboy. Kulang rin ang kinakain ng baboy kung ito ay namamayat habang nagpapasuso.
Maaari din mag lugon ang mga Barako na Baboy kung humigit sa dami ng beses kung ito ay gamitin pang service.
Halimbawa ay ginamit ang barako 2 beses araw araw sa loob ng 1 linggo at hindi nabigyan ng pahinga.
Kulang ang pagkain at walang vitamins o minerals na binibigay ay maaari din maglugon ang Barako na Baboy.
Gamot sa Paglulugon o Paglalagas
V22 at Cecical Powder – pwede yan na supplements sa Barako at Inahin, ihahalo sa pagkain araw araw at may taglay itong mataas na porsyento ng zinc at iba pang mahahalagang minerals na kailangan ng Baboy upang maging malusog. Ihalo sa feeds araw araw mula 30-90 days para sa mahusay na epekto.
Habang ang baboy ay nagpapasuso, (2) linggo bago ang awat or ika 14 days matapos manganak bigyan ang inahin ng sapat na pagkaen. Atleast 3 kg o mas madami pa na lactating pellet kada araw. Huwag aalisan ng unli drinker. Pwedeng haluan ng cecical powder or v22 powder ang pagkain araw araw para sa dagdag na vitamins. Pwede rin lagyan ng electrolytes sa inuman araw araw or iba pang klase ng vitamins na water soluble powder.
Kompletohin nyo rin ang bakuna guide naten para sa bagong panganak na inahin na mababasa dito “Guide sa Pag iinahin”
Sa mga inahin na bagong awat, sa araw ng pag awat ay huwag bibigyan ng pagkain. Unli drinker lang ang ibigay para umatras ang gatas.
Kinabukasan sa umaga huwag papakainin at purgahin ng latigo 1000 10g powder or inject ivermectin 0.1 ml / 2 kg timbang ng baboy. Sa tanghali na sya kakaen.
Sa hapon matapos mag purga sa umaga ay magbigay ng 5 ml vit b complex at 5 ml vit a,d,e.
Sa payat na inahin isagawa ang FLUSHING, Bigyan ng developer (breeder pellet) feeds atleast 3 kilo kada araw hanggang sa maglandi ulit or pag naabot ulit ang tamang timbang o kondisyon. Maglagay rin ng unli drinker at cecical powder araw araw.
Developer pellet na 2.5 kilo per day naman kung mataba ang inahin matapos ang pag awat.
Purgahin din ang barako kada 2 buwan.
Pwede gumamit ng electrolytes tulad ng electrogen d+ ihalo sa inuman tubig araw araw.
Para naman bumalik sa pag lalandi ang baboy ay pisikan ng ihi ng barako sa ilong ang bagong awat na inahing baboy tuwing hapon or mag tira ng s*m*lya mula sa ginamit na pang a.i at yon ang gamitin pang pisik sa ilong ng baboy para agad na lumandi.
Subukan din ang boar exposure 5 minutes tuwing hapon. Normal naman na maglalandi ang inahin na bagong awat matapos ang isang linggo. Pakastahan ito kapag nag standing heat. Kung ang baboy ay naglandi matapos ang 2-3 araw mula sa pag awat huwag ito pakastahan dahil walang ovulation or hindi fertile, maghintay ng susunod na paglalandi or 21 days cycle.
Paano nga ba ang tamang pag awat sa inahing baboy? Basahin sa ating guide na “Pag aalaga sa Dry Sow“.
Ang tanong: Mabubuntis pa din ba kahit nag lulugon ang baboy?
Sagot: Depende sa sitwasyon. Importante na malusog at masustanya ang katawan ng baboy bago at matapos pakastahan o a.i. para tumuloy ang pagbubuntis or para malaki ang chance na mabuntis ito. So kung hindi mo gagamotin ang paglulugon ng baboy is mababa ang chances na mabuntis o tumuloy ito sa pagbubuntis.
https://www.alagangbaboy.com/paglulugon-ng-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/06/images-1.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/06/images-1-150x150.jpegGilt / Sow / BoarPaglulugon,Paglulugon ng BaboyMga Dahilan ng Paglulugon o Paglalagas ng Baboy *Zinc Deficiency *Mange (galis) sakit sa balat Palatandaan ng Paglulugon *Naglalagas ang balahibo *Dry at Cracked Skin Madalas maranasan ang paglulugon o paglalagas ng Baboy sa mga inahin na bagong awat sa mga biik. Other words 'malnourish' ang baboy mo dahil sa nakuha lahat ng biik ang sustansya...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Bakit po kaya naglalagas ang balahibo ng aming dumalagang baboy tama nmn po ang pakain at nilalagyan dn nmin ng cecical kda umaga,kumpleto n rn po ang bakuna nya,,7mos.po xa mula panganak nung Oct.1salamat po s pagsagot
Boss pwede ba pakastahan ang inahin na naglulugon at d naglalandi para kahit papano may ma try kami
Pwede..pero basahin mo muna nasa guide nang matuto ka about paglulugon pang #14 sa baba na guide.
Dapat po ba araw araw dumudumi ang mga biik?? 5days old na po now. Nag start na din ako pahid sa suso ng inahin 3days till now po
Hindi naman boss depende sa feed intake nya parang tao rin.