Pag-aalaga sa Dry Sow
Dry Sow ang tawag sa inahin pagkatapos awatin sa sumususong biik.
Ang focus natin dito ay paikliin ang dry period ng bagong walay na inahing baboy para lumandi agad.
Reconditioning stage ang isa pang tawag dito.
*Kung masyadong namayat ang nagpapasusong inahing baboy ay matagal itong babalik sa paglalandi.
*Yung #3 sa picture sa itaas ang pinaka magandang kondisyon ng katawan ng inahin matapos ang pag papasuso.
Paano mag awat ng inahin (dry sow)?
Day 1, sa umaga araw ng pag awat, bawal kumain maghapon pero dapat naka unli drinker. Alisin ang inahin sa farrowing pen at iwan ang mga biik.
Day 2, sa umaga, purgahin mo agad ivermectin inject 0.1 ml per 2 kg weight or ihalo ang latigo 1000 powder 10g sa isang dakot na feeds (developer pellet) para agad na maubos. Mapaet kasi yan baka hindi maubos kung marami feeds.
Kapag ubos na yung pampurga, pakainin mo na 2.5 kg per day developer pellet kung mataba at nasa maayos na katawan ang inahin. 3 kg per day naman kung payat ang inahin, araw araw habang inaantay na mag landi. “Flushing” ang tawag don, meaning busugin ang baboy aras araw.
Day 3, bigyan ng vitamins b complex 5 ml tulad ng bexan sp or belamyl sa umaga. Tapos sa hapon isunod mo naman vitamin ade 5 ml tulad ng viton. Or kung gusto mo isang inject lang ang bilhin mo ay NOROVIT. Pampataas ng fert*lity ng baboy ang vitamins.
Day 4, Isagawa ang boar exposure 15 minuto kada araw tuwing hapon. Kung walang barako, humingi ng ihi ng barako sa nag seservice at pisikan ng ihi ng barako ang ilong ng baboy na bagong awat araw araw tuwing hapon. Pwede rin tira tirang sem*lya galing sa pinang a.i na lalagyan.
*Paliguan ang inahin araw araw kung mainit ang panahon o lubluban kung nasa lupa ito.
*Obserbahan umaga at hapon para sa senyales ng paglalandi. 21 days ang cycle nila o pag ulit lumandi (reheat).
*Pakastahan yung mga magandang inahin at i Cull naman ang mga sumablay na inahin.
*Ang dry sow na maganda ang kondisyon ay babalik sa paglalandi sa loob ng 4-7 araw matapos iwalay.
*May instances na 2-3 araw mula awat ay babalik sa paglalandi ang inahin wag muna pakastahan kasi walang ovulation ang ibang baboy. Maghintay ng 21 araw at babalik ito sa paglalandi saka lamang pakastahan.
*Yung mga namayat ng husto, isagawa ang flushing o pagbibigay ng maraming pagkain.
Kapag naglalandi na sundan nyo ulit guide natin sa pag iinahin eto “kompletong guide sa pag iinahin“
Ano ginagawa nyo para mabilis maglandi ang inahing baboy nyo?
https://www.alagangbaboy.com/pag-aalaga-sa-dry-sow/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-28.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-28-150x150.jpegGilt / Sow / Boardry sowDry Sow ang tawag sa inahin pagkatapos awatin sa sumususong biik. Ang focus natin dito ay paikliin ang dry period ng bagong walay na inahing baboy para lumandi agad. Reconditioning stage ang isa pang tawag dito. *Kung masyadong namayat ang nagpapasusong inahing baboy ay matagal itong babalik sa paglalandi. *Yung #3 sa picture...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Good morning, ano po kaya process ng nag self abort na inahin, 50days na sya pregnant eh nailipt po namen ng kulungan ano po kaya treatment para manumbalik galing yata sa stress
magandang Araw Po sa lahat. Tanong ko Po kung ilang Oras Po ba lalabas Ang enunan nang bagong panganak na inahin Po? ano bo sunod gagawin ko? maraming salamat po
Within 8 hours po matapos manganak.
Question po doc. yung aking inahin ay nagwawala kung iwawalay ang biik. di din nakakatulong ang mga biik na naiyak. sa gabi sobra nagwawala kaya ibinalik ko mga biik ito pangalawa walay. yung una walay winasak ang labangan ng gestation pen at pilit na umaakyat sa farrowing pen kung saan nakalagay ang mga biik nya. ano po ang dapat ko gawin para di magwala ang inahin sa pagwalay ng mga biik. 32 days na po ang mga biik.
Normal reaction lang yan. Ang importante sinusunod mo tamang guide naten sa pag walay. Nasa baba basahin mo pang #4 at #5 sa guide sundin mo.
Tanong kolang doc ,pwd paba purgahin yong alaga Kong biik ,12 days Mula walay sa inahan ..Ano Pong purga Ang gamitin ? Ilang ml Po sa Dalawang biik ? Bagohan lang Po kasi di ko pa alam
..salamat sa sagot dok …antayin ko po
Pwede na. Pang #8 sa baba na guide basahin andon mismo tamang paraan at dosage sa pag purga matututunan mo.