Arthritis sa Baboy
Madalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon.
Palatandaan
*Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik.
*Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa.
*Namamaga at bumubukol ang buto sa paa.
*Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia).
Gamot
*Magbigay ng long acting antib**tic sa apektadong biik 1 ml bawat 10 kg na timbang tulad ng oxytetra LA.
*Pinaka mabisang gamot ay ang kontra pamamaga na inject Dexamethasone or DTC 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Mag bigay rin ng premix water soluble supplement tulad ng vetracin gold, apralyte, aquadox sa loob ng 3-5 days.
Pag-iwas
*Siguraduhing hindi masusugatan ang pinutulang ipin.
*Lagyan ng combinex o betadine ang pinutol na buntot at pusod.
*Mag disinfect ng kulungan (once a month) gamit ang microban gt.
*Alisin ang mga bagay na nakakasugat sa biik na nasa loob ng kulungan.
*Maglagay ng laruan para hindi sila magkagatan.
Madalas rin mangyare ang arthritis sa mga malalaking baboy, panatilihing tuyo ang flooring at alisin ang mga bagay na nakasusugat.
https://www.alagangbaboy.com/piglet-joint-arthritis/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG_20221110_141056.jpghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG_20221110_141056-150x150.jpgPiglet / Fattenerpiglet arthritisMadalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon. Palatandaan *Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik. *Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa. *Namamaga at bumubukol ang buto sa paa. *Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia). Gamot *Magbigay ng long...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Dok Anong gamot sa biik na may pilay at namamaga Ng paa
Buntis po sow or gilt tapos may lumalabas pong white fluid sa ari ng inahin . Ano po dapat ang gamot?
Bawal po mag gamot kung buntis. Every 21 days check mo lang kung hindi lalandi at hindi mag standing heat.
Kapag meron pong pamamaga ang baboy saan po banda ang tamng paginject ng DTC Doc?
Muscle part yan leeg likod ng tenga.
Hanggat dipo ba nawawala pamamaga dahilan Ng arthritis Ng biik continues lang Po ba ang pagturok 2 days pagitan?
Yes pwede po. Kontra pamamaga yan
Pwde Po ba water soluble lng na gamot Ang ibigay Sa biik na my arthritis?
Dtc dexamethasone 1 ml dapat mas epektib