Fattener Feeding Guide
Ang pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki.
Paraan ng Pagpapakain sa Fattener
Ad Libitum – ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder equipment.
Advantage ng Ad Libitum
1. Mas mabilis lumaki ang baboy.
2. Hindi nag aaway sa pagkain.
3. Medyo maaksaya sa pagkain.
4. Kumakapal ang taba lalo na kung hindi maganda ang lahi at hindi gumamit ng finisher feeds.
Restricted Feeding – kinokontrol ang dami ng binibigay na pagkain.
Advantage ng Restricted Feeding
1. Tipid sa pagkain.
2. Magandang kalidad ng karne.
3. Mabagal lumaki.
4. Hindi pare pareho sa paglaki.
5. Matrabahong magpakain.
Ipinapayo na gawing Ad Libitum Feeding ang pagpapakain mula booster hanggang starter stage.
Gawing Restricted Feeding naman pagdating ng grower hanggang finisher stage.
Pagdating ng 50-60 kg Restricted Feeding na ang ginagawa upang maiwasan ang pagkapal ng taba at maganda ang kalidad ng karne.
Fattener Feeding Guide
Eto po ang recommended namin na feeding guide para sa fattening incase restricted feeding ang susundin nyo.
Booster: 5-35 days (8 kilo for 30 days)
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day.
Yan ay base sa 1 head ng fattener, so multiply nyo nalang kung ilan alaga nyong fattener.
Note: bawat brand name ng feeds ay may kanya kanyang feeding guide nakasulat sa papel ipinamimigay po yan ng ahente ng tindahan, agri store or kung saan kayo naka bili ng feeds kasama po ang papel na yon na ipinamimigay at kung minsan ay naka tahi sa sako ng feeds or naka dikit sa sako ng feeds.
Eto pa isang tip tungkol sa Tamang Sukat ng Kulungan para sa Fattener.
https://www.alagangbaboy.com/fattener-feeding-guide/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66-150x150.jpegPiglet / Fattenerfattener,feeding guideAng pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki. Paraan ng Pagpapakain sa Fattener Ad Libitum - ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
pwedi poh bang inject ng vit.sp
ang baboy koh 2months na poh sila.at ilang ml poh.salamat
Purgahin mo muna tapos sunod na araw bexan sp 2 ml.
Tungkol po sa fattener feeding guide, kng ang starter nagconsume ng 1\2kg tapos sa starer 1kg, pwede kaya bago abutin ang starter simula sa 1\2kg araw araw magadd ng 100g hangang sa abutin ng 1kg sa starter?
Oo naman basta wag sila magugutom. Reference lang naman yan.
Ilang araw ba pakakainin ng finisher bago ibibinta ang baboy?salamat po
1 sack per head sa fattener. Kung kailan maubos ganon lang po.
Admin pag ktpos po b ng grower pwd bang ituloy prin ang grower s halip n finisher pra dagdag timbang
Ok lang walang problema. Next time try mo naman mag finisher ikaw rin naman ang makakakita ng resulta ng dalawa.
Good day,sir/ma’am. Tanong kulang ang bìk ko kumakapal ang balahibo tapos mapbagal ang paglaki nila dalawang lingo na sila tapos ang is tumstayo ang balahubo nya,pwedi humingi ng advice thanks po
Purgahin mo muna tapos kinabukasan bexan sp at vetracin gold.