Fattener Feeding Guide
Ang pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki.
Paraan ng Pagpapakain sa Fattener
Ad Libitum – ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder equipment.
Advantage ng Ad Libitum
1. Mas mabilis lumaki ang baboy.
2. Hindi nag aaway sa pagkain.
3. Medyo maaksaya sa pagkain.
4. Kumakapal ang taba lalo na kung hindi maganda ang lahi at hindi gumamit ng finisher feeds.
Restricted Feeding – kinokontrol ang dami ng binibigay na pagkain.
Advantage ng Restricted Feeding
1. Tipid sa pagkain.
2. Magandang kalidad ng karne.
3. Mabagal lumaki.
4. Hindi pare pareho sa paglaki.
5. Matrabahong magpakain.
Ipinapayo na gawing Ad Libitum Feeding ang pagpapakain mula booster hanggang starter stage.
Gawing Restricted Feeding naman pagdating ng grower hanggang finisher stage.
Pagdating ng 50-60 kg Restricted Feeding na ang ginagawa upang maiwasan ang pagkapal ng taba at maganda ang kalidad ng karne.
Fattener Feeding Guide
Eto po ang recommended namin na feeding guide para sa fattening incase restricted feeding ang susundin nyo.
Booster: 5-35 days (8 kilo for 30 days)
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day.
Yan ay base sa 1 head ng fattener, so multiply nyo nalang kung ilan alaga nyong fattener.
Note: bawat brand name ng feeds ay may kanya kanyang feeding guide nakasulat sa papel ipinamimigay po yan ng ahente ng tindahan, agri store or kung saan kayo naka bili ng feeds kasama po ang papel na yon na ipinamimigay at kung minsan ay naka tahi sa sako ng feeds or naka dikit sa sako ng feeds.
Eto pa isang tip tungkol sa Tamang Sukat ng Kulungan para sa Fattener.
https://www.alagangbaboy.com/fattener-feeding-guide/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66-150x150.jpegPiglet / Fattenerfattener,feeding guideAng pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki. Paraan ng Pagpapakain sa Fattener Ad Libitum - ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Tanong lang admin itong feeding na ito ba ay simula nung pag anak nang mga biik. Salamat sa sagot
Yes boss.. 5 days old start ng pagturo kumain sa biik.
ok lang po bang pakainin ng grower ang fattener 2 months po simula po nung nabili namin sila 3 heads lang naman po
86 days old pataas grower stage.. grower pellet na.
Tanong ko lng po. Anu po pwede igamot Pag ang inahin baboy ay medyo pilay na. 114 days na po sya now. Hindi nya maiapak yung paa nya sa hulihan. May crack po kasi kuko nya. Posible po dahil Yun sa kuko nya kaya pilay sya. Wala nman po syang sugat. Nag worry po kasi ako kasi bumabagsak ang tiyan nya Pag humihiga sya. 2nd parity nya po. Salamat po.! Anu po gamot kasi hindi pa po sya nanganganak. Yung una nya panganak 118 days po sya nun.
Bawal mabasa kasi lumalambot kuko kung basa. Sprayan mo ng combinex sa kuko para hindi ma disinfect. Pwede rin betadine. Mas maganda ilipat sa lupa o ipa na flooring para malambot lang. Mukang magaspang semento nyo?
tanong kulang po. ang per day po ba ay hatiin ng tatlo dahil 3 times ako magpapakain ng aking mga alaga, umaga, tanghali at hapon po. or isang kilo kada pakain ko po per head. Maraming salamat po. bago palang po.
Haliwbawa 2 kilo per day.. edi ikaw bahala if hatiin mo 2x 3x a day basta daily consumption is same lang.
Hindi kaya po ako maluge pag ibenta ko ung fattening ko 4 months sila since birth po..ipaconsume ko din ung tig one sack nila..po thanks po ..kasi maraming nagsasabe magaan daw pag bata pa
Same lang yan mas maaga mo ibebenta mas matipid sa feeds at gastos. Mas matanda mo ibebenta mas mabigat mas magastos pero malaki pera na mukuha mo.