Fattener Feeding Guide
Ang pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki.
Paraan ng Pagpapakain sa Fattener
Ad Libitum – ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder equipment.
Advantage ng Ad Libitum
1. Mas mabilis lumaki ang baboy.
2. Hindi nag aaway sa pagkain.
3. Medyo maaksaya sa pagkain.
4. Kumakapal ang taba lalo na kung hindi maganda ang lahi at hindi gumamit ng finisher feeds.
Restricted Feeding – kinokontrol ang dami ng binibigay na pagkain.
Advantage ng Restricted Feeding
1. Tipid sa pagkain.
2. Magandang kalidad ng karne.
3. Mabagal lumaki.
4. Hindi pare pareho sa paglaki.
5. Matrabahong magpakain.
Ipinapayo na gawing Ad Libitum Feeding ang pagpapakain mula booster hanggang starter stage.
Gawing Restricted Feeding naman pagdating ng grower hanggang finisher stage.
Pagdating ng 50-60 kg Restricted Feeding na ang ginagawa upang maiwasan ang pagkapal ng taba at maganda ang kalidad ng karne.
Fattener Feeding Guide
Eto po ang recommended namin na feeding guide para sa fattening incase restricted feeding ang susundin nyo.
Booster: 5-35 days (8 kilo for 30 days)
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day.
Yan ay base sa 1 head ng fattener, so multiply nyo nalang kung ilan alaga nyong fattener.
Note: bawat brand name ng feeds ay may kanya kanyang feeding guide nakasulat sa papel ipinamimigay po yan ng ahente ng tindahan, agri store or kung saan kayo naka bili ng feeds kasama po ang papel na yon na ipinamimigay at kung minsan ay naka tahi sa sako ng feeds or naka dikit sa sako ng feeds.
Eto pa isang tip tungkol sa Tamang Sukat ng Kulungan para sa Fattener.
https://www.alagangbaboy.com/fattener-feeding-guide/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-66-150x150.jpegPiglet / Fattenerfattener,feeding guideAng pagpapakain ang pinakamalaking gastos sa pagbababuyan. 80% ng kabuuang gastos ay napupunta sa pagkain kaya dapat bigyan ng pansin para makuha ang mabilis na paglaki. Paraan ng Pagpapakain sa Fattener Ad Libitum - ito ay ang pagpapakain ng walang awat. Laging may bago at sariwang pagkain gamit ang isang autofeeder...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
hello. yun po bang per kg day na feeding guide ng fattener.. ano po yon, halimbawa ay 1kg per baboy? per day?
Per day yon tapos pang isang baboy lang. Multiply mo nalang kung ilan alaga mong baboy.
ano po ang pede pampurga sa fattener at gano po kadami kung ang fattener ay tumitimbang ng 20 kilos
hi po good morning Doc.. ask ko lng po ano normal weight ng 2 months and 1 week n biik? every month po b need ng deworming and vitamins. salamat po
Every month maganda purgahin muna tapos sunod na araw ay bexan sp na vitamins or belamyl para gumana sa pagkain.
ok lang po ba na mag starter na yong 45 days na biik? napaaga ang shifting kasi ng pinagkunan ko ng mga biik ko.
Ok lang basta habaan mo nalang. Basta 86 days from birth grower pellet naman.
Tanong po ilang ml po pwede inject na viton sa 65kls na fattener.
3-5 ml napo maganda ang viton sa dumalaga.