Parvo Virus
Para pataasin ang resistensya ng dumalaga habang nagbubuntis o bago pakastahan heto ang ilan sa Bakuna na dapat ibigay sa dumalaga.
6.5 buwan – magbigay ng Anti Pneumonia Vaccine (Mycoplasma Respisure) 2 ml.
7 buwan – magbigay ng Anti Parvo Vaccine, (farrowsure) 2 ml.
7.5 buwan – magbakuna ng Anti Hog Cholera (Coglapest) 2 ml.
Bago mag 8 buwan gulang ay purgahin ang dumalaga ng Latigo 1000 powder, 10g. Ihalo sa isang dakot na feeds ipakain sa umaga dapat gutom sila kasi mapaet yan baka hindi maubos.
8 buwan – mag inject ng vit b complex at vit a,d,e 5 ml each.
Ano ang Parvo Virus?
Maaari makuha ang virus na ito mula sa mga daga, pagkakasakit, barako na may sakit, maruming paligid, mga carrier ng sakit tulad ng ibon at manok na gumagala mula sa ibang farm.
Kung nakalimutan mag bigay ng Anti Parvo Vaccine sa ika 7 buwan, siguraduhin na maibibigay ito 2 weeks bago kastahan ang dumalaga. At muli ito ibibigay sa ika 14 days matapos manganak ito ang mag sisilbing protection sa susunod na pagbubuntis.
Walang gamot sa Parvo Virus, ang meron lang ay bakuna para maiwasan.
Anong gagawin kung na Parvo ka?
Kung nakunan dahil sa parvo, gamitan mo ng oxytocin 1 ml para lumabas ang lahat ng nasa tiyan nito. Sunod na araw ant*b**tic naman 10 ml oxytetra la naman kontra infection. Kung maayos ka mag alaga at nakabalik kondisyon ang baboy ay palipasin mo muna ang isang paglalandi at sa susunod na paglalandi mo na ito pakastahan. Gawen mo lahat ng bakuna at vitamins pati pag purga na binanggit sa taas.
Basahin nyo itong kompletong guide sa pag iinahin at biik, para matutunan ang lahat patungkol sa inahing baboy.
https://www.alagangbaboy.com/bakuna-sa-dumalagang-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-18.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-18-150x150.jpegDisease / Vaccine / Vitaminsbakuna sa dumalagang baboyPara pataasin ang resistensya ng dumalaga habang nagbubuntis o bago pakastahan heto ang ilan sa Bakuna na dapat ibigay sa dumalaga. 6.5 buwan - magbigay ng Anti Pneumonia Vaccine (Mycoplasma Respisure) 2 ml. 7 buwan - magbigay ng Anti Parvo Vaccine, (farrowsure) 2 ml. 7.5 buwan - magbakuna ng Anti Hog Cholera...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Nabangggit po sa itaas na kailangan bigyan uli ng para sa parvo ang dumalaga pagkatapos manganak, ibig po ba sabihin kahit nagpapadede ang inahin ay okay lang po mag inject ng para sa anti parvo?
Yes safe na safe bakunahan 2 ml farrowsure ika 14 days after manganak. Para may protection sa susunod na pagbubuntis.