Gamot sa Mahinang Gatas ng Inahing Baboy
Mahina ang gatas ng nagpapasusong inahing baboy kung ang mga biik neto ay namamayat.
Posible din na hindi maganda ang lahi ng baboy, kulang sa pagkain o tubig, galing sa MMA o lagnat at mainit na panahon.
Mga dapat gawin
*Bigyan ng sapat na tubig ang inahin. (Unli Drinker)
*Pagkatapos manganak magbigay ng oxytetra la 10 ml.
*Sundan ang tamang feeding guide sa nagpapasusong inahin.
*Mag umpisa sa half kilo per day lactating feeds pellet at dagdagan ng half kilo araw araw hanggang sa maging 3 kilo per day. Kung ang mamapig ay pumapayat ibig sabihin ay kulang pa ang 3 kg / day lactation pellet.
*Subukan rin ang wet feeding.
*Bigyan ng b complex 5 ml sa ikalawang araw ng panganganak at supplements tulad ng cecical or v22 powder ihalo sa feeds araw araw.
*Kung wala talagang gatas, bigyan ng oxytoc*n 0.5 cc – may chemical (stimulation) ito para sa milk letdown.
*Agad na pasusuhin ang biik para makonsumo ang colostrum. At para hindi manigas ang dede ng inahing baboy.
*Subukan ang Warm Compress.
Kung hindi padin maganda mag perform ang inahin ay dapat na itong i cull.
*Maglaga ng Malunggay Leaves at ipakain sa baboy kasama ang sabaw.
*Bili ka ng thyrolac (milk enhancer)
Basahin nyo itong kompletong guide sa pag iinahin at biik.
https://www.alagangbaboy.com/mahina-ang-gatas-ng-inahing-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-40.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-40-150x150.jpegGestating / Farrowinggatas ng inahing baboyMahina ang gatas ng nagpapasusong inahing baboy kung ang mga biik neto ay namamayat. Posible din na hindi maganda ang lahi ng baboy, kulang sa pagkain o tubig, galing sa MMA o lagnat at mainit na panahon. Mga dapat gawin *Bigyan ng sapat na tubig ang inahin. (Unli Drinker) *Pagkatapos manganak magbigay ng...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Ano Po Ang Luna’s sa mahing gatas Ng inahin?
ano poh bah pwd gamot pra sa inahin buntis nah may ubo
Ecolmin, Vetracin Ultima. Nasa baba na guide ang solusyon basahin mo pang #23 sa guides.
Ano po ba ang common factors bakit wala masyadong gatas na lumalabas sa isang inahin? Thanks and merry christmas!