Matamlay o Walang Gana Kumain ang Baboy
Pansin nyo ba minsan matamlay ang baboy or walang gana kumain?
Depende rin kasi yan kung biik, nag papasuso na inahin, sumususo na biik, bagong awat, barako or dumalaga iba iba ang pwede maging sanhi at senyales.
Una mo tignan kung may sugat ba sa paa or kuko, nakakatayo ba ng maayos, may ubo, sipon, lagnat, mainit katawan, tignan mo muna kung ano ang signs and symptoms physically bago ka gumawa ng intervention.
Alam mo ba na kapag bigla mo pinalitan ang feeds o pagkain ng baboy ay hindi nila ito kakainin? Halimbawa sa pag shifting from starter to grower feeds, dapat ay 7 days gradual ang shifting. Dahan dahan palitan sa loob ng 7 araw. Dagdagan ang bagong feeds, bawasan ang luma. Hanggang sa mag 100% bago ang feeds sa ika 7 araw.
Mga pwedeng gawin kung matamlay ang baboy:
*Try mo baguhin ang pagkain tulad ng pagbibigay ng pellet or starter, pre starter. Mas malasa kasi ang mas magatas na feeds tulad sa pre starter pellet.
*Pwede rin magbigay ng used na gulay basta malinis, kangkong, talbos, pinya, mga prutas o gulay na edible or makakain.
*Kung may lagnat magbigay ka ng ant*b**tic.
*Kung may ubo at sipon subukan ang ecolmin para lumabas plema. Vetracin Ultima naman para lumambot plema. Kung may sipon mag vetracin gold sa inuman 5-7 days ihalo sa inuman.
*Kung sipon lang mag Vetracin Gold sa inuman araw araw.
*Sa pampababa ng lagnat mag inject ng Copyr*ne. Kung mainit ang katawan nang baboy senyales na may lagnat ito. Ang lagnat ay sign na may impeksyon ang baboy, mag ant*b**tic ka din 1 ml per 10 kg weight.
*Pwede ka rin magbigay ng vit b complex 1 ml sa dumedede na biik, 2 ml sa bagong awat na biik, 3 ml sa grower stage na biik, 4-5 ml sa dumalaga pataas na edad.
Kung babae ang baboy at nasa 4 month old pataas isa rin itong senyales ng paglalandi. Parehas sa mga bagong awat na inahing baboy, tamad kumain, walang gana ang isang naglalanding baboy.
*Pwede rin mag bigay ng electrolytes na hinahalo sa inuman tulad ng electrogen d+. Or Aquadox at Apralyte naman recommended para sa biik.
*Magdisinfect rin ng kulungan.
Kung may namamaga naman sa mga paa, tuhod ay mag inject ng dexamethasone or dtc 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Baka hindi ka nagpupurga ng baboy? Once a month yan ang recommended na pag purga sa baboy para mamatay ang parasite sa loob at labas ng katawan ng baboy na sumisipsip nutrisyon ng baboy na nag reresulta sa pag tamlay nito.
*Komonsulta sa pinaka malapit na hog technician sa inyong lugar kung may malala itong sakit.
Sana lahat tayo matuto mag assess ng baboy para matukoy natin ang sakit bago mag bigay ng gamot.
https://www.alagangbaboy.com/matamlay-o-walang-gana-kumain-na-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG20240216123347-768x1024.jpghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG20240216123347-150x150.jpgDisease / Vaccine / Vitaminsmatamlay na baboyPansin nyo ba minsan matamlay ang baboy or walang gana kumain? Depende rin kasi yan kung biik, nag papasuso na inahin, sumususo na biik, bagong awat, barako or dumalaga iba iba ang pwede maging sanhi at senyales. Una mo tignan kung may sugat ba sa paa or kuko, nakakatayo ba ng...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Ano po pwedi gawin dito Maam/Sirs? Sobrang payat nila tapos kakaunti lang kinakain nila. 1 month na silang ganito. Ang layo na ng pagka laki sa mga kapatid nila. Buto at balat lang sila.
Ung inahin ko po 54 days buntis ayaw kunain 2 days na po. Wala namang ubo at sipon wala naman lagnat. At di naman namimilay. Anu po kaya dahilan?
Isa lang naiisip ko baka tinamaan ng parvo virus lalo if wala ka nabigay na anti parvo vaccine bago kinastahan.