How to Start a Hog Raising Business
Paano nga ba mag simula ng negosyong pag aalaga ng baboy?
Mga kailangan
*Capital – ang presyo ng isang biik ay nasa 3500 – 4000 pesos (estimate) minimum depende sa lugar ang presyuhan at depende ang presyo kung ilang araw na or gaano kabigat ang biik.
Kung bibili ka ng biik dapat ay atleast 28 days old na o pataas, malakas kumain ng feeds at malakas uminom, kompleto sa bakuna.
Kung bibili ka naman ng fattener o yung mga baboy na may edad 3 – 5 buwan, ang presyo ng per kilo sa live weight ay nasa 200 pesos minimum hanggang 250 pesos (estimate).
Ang presyo ng live weight ay depende sa lugar, pangangailangan or market value, at depende rin ito sa timbang ng baboy.
Karaniwang bentahe na ang timbang na 65 – 90 kilo pataas.
*Bakuran – para sa kulungan at waste disposal. Pwede magpagawa ng kulungan na semento ang flooring. Pwede rin naman semento kalahati at may lupa at halong ipa ang kalahati.
*Semento – madali linisin, laging tuyo, konti ang bacteria na mabubuhay.
*Ipa o lupa na flooring – minsan lang linisin, maputik kung basa, makapit ang amoy, mabilis dumami ang bacteria sa basang lugar.
*Kulungan – 10 heads ang recommended na pinaka marami na bilang ng baboy sa isang kulungan, dapat ay may 2 nipple drinker para sa inuman. Hindi bababa sa 2 square meter kada baboy ang luwang ng kulungan.
*May malapit na agri store o tindahan ng feeds not more than 3 kilometers away, may gamot, bakuna at meron din silang technician or doctor sa hayop.
90% ng capital mo ay sa pagkain (feeds) mapupunta kasama na ang bakuna at vitamins.
10% ng capital mo ay pambayad sa tao kung may helper, tubig, kuryente at iba pang expenses mo.
Goals, Goals Goals
Ano ba ang goal mo or focus mo sa pag aalaga ng baboy?
Syempre para kumita
*Inahing Baboy ba ang aalagaan ko pagkatapos ay ibebenta ang mga iaanak na Biik?
*8 months bago mag landi at mabuntis ang dumalagang baboy, 114 days ito magbubuntis, 28 days sumususo ang biik at pwede na awatin at ibenta.
*Mag aalaga ba ako ng Biik at gagawing Fattener pagkatapos ay ibebenta?
*Pwede ka bumili ng biik at palalakihin mo at gagawin mo ito fattener sa edad na 5 – 6 months or pag umabot sa timbang na hindi bababa sa 65 kilo (live weight) ang fattener ay pwede mo ibenta sa market o mamimili.
Usapang Feeds
Huwag magtitipid sa pagkain o feeds. Recommended rin na maglagay ng nipple drinker.
Gumamit ng mga branded o mga commercial feeds tulad ng pigrolac, B meg, uno, etc.
Pwede rin naman bumili sa mga gumagawa ng home made premix na feeds depende sa kalidad dapat ay siguradong masustansya ang premix na feeds.
Feeds sa Biik na sumususo
*Earlywean Immune Booster Feeds 120 pesos per kilo (estimate). Ito yung feeds na binibigay sa biik na nag aaral palang kumain hanggang sa umabot ng 28 days old. Depende sa dami ng biik pwede ka umubos ng 3-4 na kilo o mas marami pa.
Feeds para sa Fattener
*Pre Starter
*Starter
*Hog Grower
*Hog Finisher
Hindi sa lahat, pero nakasanayan na ng mga backyard hog raisers na hindi paabutin sa Finisher stage ang baboy at ibinebenta na ito.
Ang Hog Finisher Feeds ay nag papanipis sa taba ng baboy at nag papagaan sa maliit na porsyento. Imbes na Hog Finisher Feeds ay Hog Grower Feeds ang ibinibigay ng ilang hog raisers sa mga fatteners hanggang sa maibenta ito.
Ang presyo ng feeds ay depende sa brand at depende rin sa lugar. Pumunta lang kayo sa agri store para malaman kung ano ang available na feeds para sa baboy at para makakuha ng pricelist.
Mas makakatipid kung bibili ng isang bag or 50 kilos kumpara sa kilo o tinge na mas mahal ang presyo.
*Maganda at malaki ang kita sa pag aalaga ng Baboy lalo na kung mababa ang rate na nagkakasakit at namamatay na baboy. Mas malaki ang kita kung mas marami ang alaga. Ngunit nangangailangan ng mas malaking capital.
*Bakit nalulugi ang iba sa pag aalaga ng baboy?
Kapag tinamaan ng malubhang sakit. Ang mga baboy ay mahina ang resistensya sa sakit. Tulad ng pagkakaroon ng sugat sa kuko ay agad itong nararamdaman ng baboy laging nakahiga, matamlay at walang gana sa pagkain.
Kapag naman sila ay nasipon o ubo ay agad itong nauuwi sa pneumonia at matinding lagnat kaya ang baboy ay agad na tatamlay na kung minsan ay namamatay.
*Ano ba ang sikreto para maging matagumpay ang pag nenegosyo o pag aalaga ng Baboy?
*Disinfection – dapat palaging mag disinfect ng kulungan ( 2 beses sa isang buwan)
*Vaccine – kompletohin ang Bakuna mula Biik hanggang sa Fattener.
*Vitamins – magbigay ng vitamins tulad ng B Complex, Iron at vitamins a,d,e.
*Pulse Medication – palaging isagawa ang pulse medication. Ito yung pagbibigay ng mahinang antibiotic mula sa premix supplements na may electrolytes tulad ng vetracin na isasagawa kada 2 buwan or depende sa nakalagay sa sachet o lalagyan kung ano ang kanilang recommended dosage.
Sa mga nag alaga ng baboy na minsan ng nalugi ay wag kayo mag sasawang mag tyaga at mangarap na maging matagumpay sa negosyong ito.
Laging tatandaan tayong mga nag aalaga ng baboy ang seller at tayo dapat ang masusunod pag dating sa gusto nating presyo. Palaging i check ang presyo ng baboy sa kalapit na palengke o loob ng inyong baryo.
Maraming Salamat po at Mabuhay ang lahat ng Hog Raiser sa Pinas ?
Paki SHARE po sa lahat ? at mag comment po kayo sa ibaba ?
https://www.alagangbaboy.com/how-to-start-a-hog-raising-business/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/06/images-7.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/06/images-7-150x150.jpegPiglet / Fattenerhog raising,how to start a hog raising business,pag aalaga ng baboyPaano nga ba mag simula ng negosyong pag aalaga ng baboy? Mga kailangan *Capital - ang presyo ng isang biik ay nasa 3500 - 4000 pesos (estimate) minimum depende sa lugar ang presyuhan at depende ang presyo kung ilang araw na or gaano kabigat ang biik. Kung bibili ka ng biik dapat...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Leave a Reply