Greasy Pig Disease – Ito ay ang impeksyon sa balat ng biik mula sa bacteria na staphylococcus hyicus.

Greasy Pig Disease

Ang bacteria na ito ay naglalabas ng lason na pumapasok sa sugat ng biik at sumisira sa atay at bato.

Maaaring magkasugat ang biik dahil sa pag-aaway o kagatan sa kapwa biik at pwede rin makuha sa magagaspang o nakatutusok na sahig, alambre o parte ng kulungan.

Maaaring mamatay ang biik na malala ang impeksyon sa bato at atay.

Palatandaan ng Greasy Pig Disease

Greasy Pig Disease

*Namumula ang mukha, mula sa maliit na sugat o bahagi ng katawan na may sugat.

*Kumakalat hanggang sa buong katawan.

*Kumukulubot ang balat na parang may sebo.

Gamot sa Greasy Pig Disease

*Magbigay ng ant*b**tic 1 ml / 10 kg body weight.

*Maghalo ng electrolyte powder sa inumin tubig ng biik para makaiwas sa dehydration (3-5 days).

Pag iwas sa Greasy Pig Disease

*Siguraduhin na walang galis ang inahing baboy at biik neto na maaaring magsugat sa balat at pumasok ang bacteria.

*Magbigay ng vetracin gold (gamit ang syringe ipainom) sa 7-14 days old na biik. Ito ay may mahinang water soluble premix ant*b**tic na nakatutulong pumuksa sa bacteria. Pwede rin ang aquadox or am*x*l.

*Alisin ang mga nakakasugat na bagay sa loob ng kulungan ng biik. Maglagay ng pabitin na bote bilang laruan upang maiwasan ang kagatan sa kapwa biik.

*Mag disinfect ng kulungan 1 araw bago ang due date ng inahin at panatilihing tuyo ang sahig.

https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-55.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-55-150x150.jpegAdministratorDisease / Vaccine / VitaminsGreasy pig diseaseGreasy Pig Disease - Ito ay ang impeksyon sa balat ng biik mula sa bacteria na staphylococcus hyicus. Ang bacteria na ito ay naglalabas ng lason na pumapasok sa sugat ng biik at sumisira sa atay at bato. Maaaring magkasugat ang biik dahil sa pag-aaway o kagatan sa kapwa biik at...Gabay sa Tamang Pag-aalaga ng Baboy