Ayaw maglandi ng Baboy
Possibleng dahil sa labis na katabaan o kapayatan kaya ayaw o matagal bumalik sa paglalandi ang Inahing Baboy.
Mga dahilan;
*Impeksyon sa matris dahil sa panganganak.
*May mabaho at puting likido na lumalabas sa ari ng inahin (uti).
*Pagkakasakit ng inahin tulad ng ubo o lagnat.
*Sobrang taba o payat ng inahin.
*Silent Heater.
Mga dapat gawin;
*Boar Exposure – nose to nose contact iharap sa inahing baboy ang naglalaway na barako sa loob ng 5 minutes tuwing hapon.
*Isama o ihalo ang ayaw maglanding baboy sa mga fattener o iba pang inahin para ma stress.
*Huwag pakainin sa loob ng 1 araw para ma stress.
*Turukan ng pampalandi prostaglandin F2-alpha (PGF2-a).
*Best Option – humingi ng ihi o semilya ng barako sa mga nag seservice, pisikan sa ilong tuwing hapon ang ayaw maglandi na baboy.
Pag naturukan na ng gonadin ay possibleng bumalik sa paglalandi matapos ang 3 araw subalit pakatandaan na hindi lahat ng natuturukan ng prostaglandin ay fertile ang paglalandi.
Ano pa ginagawa nyo para bumalik sa paglalandi ang inahing baboy nyo?
https://www.alagangbaboy.com/ayaw-maglandi-ng-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-44.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-44-150x150.jpegGilt / Sow / Boarboar exposure,dry sow,giltPossibleng dahil sa labis na katabaan o kapayatan kaya ayaw o matagal bumalik sa paglalandi ang Inahing Baboy. Mga dahilan; *Impeksyon sa matris dahil sa panganganak. *May mabaho at puting likido na lumalabas sa ari ng inahin (uti). *Pagkakasakit ng inahin tulad ng ubo o lagnat. *Sobrang taba o payat ng inahin. *Silent Heater. Mga dapat...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
7 months na po ang dumalagang baboy ko pero hi di parin nag lalandi… Ano po dapat gawin ko?
Pag puba ayaw mag Landi ng baboy pwede pasaksakan ng gonadin.? OK Lang puba yon? Salamay
Pwede naman basta dapat healthy ang baboy kasi baka hindi healthy kaya ayaw mag landi, hindi rin yan magbubuntis kung malnourish.
Yung dumalaga ko po 7 months na mula panganak po. Sabi po nung tumingin, maliit daw po ang ari. Tapos hindi po siya naglalandi. Namumula lang po ang kanyang ari. Ano po b ang dapat ko po gawin? Nammroblema po kasi ako baka mahirapan ito ilabas ang biik pag nanganak.
Ah may nag reply na sa chatbox kakabasa ko lang sundin mo nalang payo ni doc.