Creep Feeding – ito ay ang pagpakain sa mga sumususong biik ng pagkain na madaling tunawin at mayaman sa gatas.

Pagpapakain sa Biik

Magbigay ng earlywean booster feeds. Ito ay ang feeds na ginagamit upang turuan kumain ang mga biik mula 5 days old.

Tips

Pwedeng tunawin ng paunti unti at ipahid sa bibig ng biik. Maglagay rin ng sapat na pagkain sa feeding tool (isang dakot kada araw). Tunawin ang feeds at ipahid sa dede ng mamapig tuwing oras nang pag dede ng mga biik para malasahan nila. Mas madalas ito gagawin ay mas maaga matututo kumain ang mga biik.

Ibinibigay ito mula edad 5-35 days old.

Inumin tubig ng Biik

80% ng katawan ng biik ay mula sa tubig. Maglagay ng sapat at malinis na inumin tubig sa shallow dish (inuman). Kung marunong na ito uminom ay maglagay ng nipple drinker at lalagyan na gallon para araw araw ay may bago itong malinis na inuming tubig.

Magagamit rin ang gallon kung kailangan maglagay o mag halo ng vitamins o electrolyte sa inumin tubig ng mga biik. (improvise style para sa gamot)

https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-51.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-51-150x150.jpegAdministratorPiglet / Fattenercreep feeding,maliit na biik,pigletCreep Feeding - ito ay ang pagpakain sa mga sumususong biik ng pagkain na madaling tunawin at mayaman sa gatas. Magbigay ng earlywean booster feeds. Ito ay ang feeds na ginagamit upang turuan kumain ang mga biik mula 5 days old. Tips Pwedeng tunawin ng paunti unti at ipahid sa bibig ng...Gabay sa Tamang Pag-aalaga ng Baboy