African Swine Fever (ASF)
Ang ASF o African Swine Fever – ay isang nakakahawang sakit na hemorrhagic disease (pagdurugo) sa baboy.
Sintomas ng ASF
Ang mga baboy na may ASF ay nakararanas ng sintomas nang lagnat, matamlay, walang gana kumain, mapulang tenga, binti, tiyan, pagsusuka at pagtatae na may kasamang dugo.
Hindi man nakakahawa o nalilipat sa tao ang sakit na ASF mula sa baboy ay pinag iingat padin ng DOH ang mga mamimili at panatilihin ang wasto at malinis na pag handa sa karne ng baboy.
Maaaring mahawaan ang mga malulusog na biik o baboy kapag nailapit o nadikit sa isang apektado ng ASF, maaaring mula sa tao na nagbabantay o anu mang gamit sa baboy tulad syringe, gloves, bota, sapatos, tsinelas, damit o pinag hubaran ng tao.
Pag iwas sa ASF (African Swine Fever)
Hindi sapat ang malinis na bakuran o kulungan ng baboy. Dapat may regular disinfection na maaaring ulitin weekly or monthly. Linisin ang mga kulungan at kagamitan sa baboy gamit ang Major D. at mag disinfect naman gamit ang Microban GT. Safe itong gamitin kahit may naka paligid na baboy.
Isagawa rin ang quarantine o pag hihiwalay sa mga bagong pasok na baboy ng isang linggo sa iisang lugar habang ito ay inoobserbahan kung may sintomas ng asf o wala.
Maglagay rin ng sanitation cubicle at foot sanitizer para maging sterile ang mga papasok at lalabas sa inyong mga bakuran o pig farm.
Gamot sa ASF (African Swine Fever)
Wala pang direktang gamot at bakuna laban sa ASF. Maaari kayo gumamit ng anu mang uri ng ant*b**tic para bawasan ang infection at hindi kumalat sa ibang parte ng katawan ng baboy na possibleng mag cause ng organ failure. Hindi rin ito siguradong epektibo pero maaari itong subukan.
Agad na ihiwalay (quarantine) ang mga apektadong baboy para hindi kumalat ang sakit at mag sagawa ng disinfection.
Pulse Medication – maaari gumamit ng iba’t ibang uri ng premix ant*bi**tic na ihahalo sa inumin para maka iwas sa anu mang virus o bacteria na makapasok sa katawan ng baboy tulad ng vetracin gold. Ibigay ito 5-7 araw sa bawat buwan.
Basahin nyo rin itong “Disinfection Guide” natin.
https://www.alagangbaboy.com/african-swine-fever-asf/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2024/03/images.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2024/03/images-150x150.jpegDisease / Vaccine / Vitaminsafrican swine fever,AsfAng ASF o African Swine Fever - ay isang nakakahawang sakit na hemorrhagic disease (pagdurugo) sa baboy. Sintomas ng ASF Ang mga baboy na may ASF ay nakararanas ng sintomas nang lagnat, matamlay, walang gana kumain, mapulang tenga, binti, tiyan, pagsusuka at pagtatae na may kasamang dugo. Hindi man nakakahawa o nalilipat...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Ano po gamot sa baboy na nawalan ng gana kumain, inom lng ng inom
[email protected]
Good eve admin..pde b s buntis ang vetracin gold o amoxil?
Yes po..pang sipon.