Bakuna at Feeding Guide sa Fattener
Feeding Guide at Bakuna para sa Fattener.
Feeding Guide sa Fattener
Recap:
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day.
Sa ibang commercial farm o sa ibang backyard farm hindi na sila nagbibigay ng hog finisher, pinapakain nalang nilang hog grower hanggang sa ibenta. Ang trabaho kasi ng hog finisher ay para panipisin ang taba ng baboy, sa kabilang dako naman ay maaaring makaapekto o makababa ng timbang sa Baboy ang pagkain ng hog finisher. Sa kagandahan parte naman ay gaganda sigurado ang kalidad ng laman o karne ng baboy kapag ito ay nakatapos ng finisher pellet.
Bakuna sa Fattener
*36-42 days old – magbigay ng vetracin gold 2 tsp kada gallon sa inumin tubig, pangontra sa sakit sa baga at pagtatae.
*42 days old – magbigay ng anti hog cholera 2 ml kada baboy.
*56 days old – magbigay ng booster shot anti hog cholera 2 ml kada baboy.
*63-69 days old – magbigay ulit ng vetracin gold 2 tsp kada gallon sa inumin tubig, pangontra sa sakit sa baga at pagtatae.
*90 days old – purgahin ang baboy.
*91-98 days old – magbigay ulit ng vetracin gold 2 tsp kada gallon sa inumin tubig, pangontra sa sakit sa baga at pagtatae.
*Pulse Medication – ang tawag sa pagbibigay ng vetracin gold sa mga fattener. Ito ay may sangkap na mahinang antibiotic at vitamins para agad na masugpo ang paparating palang na sakit mula sa bacteria na galing sa kulungan. Karaniwang sakit ng fattener ay pagtatae at sakit sa baga.
Huwag kalimutan ang regular na disinfection gamit ang microban gt, isang beses sa isang buwan para makaiwas sa sakit.
https://www.alagangbaboy.com/bakuna-at-feeding-guide-sa-fattener/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-63.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-63-150x150.jpegDisease / Vaccine / Vitaminsfattener,feeding guide,vaccine for fattenerFeeding Guide at Bakuna para sa Fattener. Feeding Guide sa Fattener Recap: Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day. Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day. Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day. Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day. Sa ibang commercial farm o sa ibang backyard farm hindi na sila...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Pwedi po bang ibalik sa grower ang baboy na nakapag finisher na gawa ng bumaba ang timbang?
Pwede bang ihalo ang vetracin sa feeds? 1 sachet po ba araw-araw?
Daily po ba ibigay itong vetracin sa 36-42 days?
Yes daily ihalo sa inuman.
Ilang ML po ng bexan sp pwede sa mag 3months ko na baboy 3months po simula nung pagbili ko
3 ml bexan sp