Usapang Baboy
Para talagang gulong na paikot ikot ang buhay o life cycle ng baboy.
Dry Period – Pagpapakasta – Pagbubuntis – Panganganak – Pagpapasuso – Pagwawalay – Pagpapalaki – Dumalaga
*Dry Period – mula pagkawalay ng biik hanggang sa maglandi muli ang inahin ay ang panahon ng dry period sa mga nanganak na inahin. Tumatagal ng 4-7 days matapos iwalay ang biik.
*Pagpapakasta (breeding) – pwedeng barako o a.i (artificial insemination) ang gamitin. Ang panahon kung saan naglalandi ang baboy.
*Pagbubuntis (gestation) – tumatagal ng humigit o kumulang 114 days.
*Panganganak (farrowing) – pagsilang ng biik.
*Pagpapasuso (lactation) – tumatagal ng 28-30 days ang pagpapasuso sa biik.
*Pagwawalay (weaning) – aalisin ang inahin sa biik. Aalagaan ang biik hanggang 60 araw sa isang weaning pen o bukod na kulungan.
*Pagpapalaki (fattener) – tumatagal ng 3-4 buwan o kung kailan makuha ang magandang timbang na hindi bababa sa 75-80 kg.
*Pamalit lahi (dumalaga) – alagaan ang biik hanggang 8 buwan (mature age) at ihanda sa pagpapakasta.
Maaari namang tumagal ang dry period kung ang inahing nagpapasuso ay magkakasakit.
Kamusta ang pag-aalaga nyo ng baboy sa inyong lugar?
https://www.alagangbaboy.com/usapang-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/usapang-baboy.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/usapang-baboy-150x150.jpegPiglet / Fatteneralagang baboy,baboy,usapang baboyPara talagang gulong na paikot ikot ang buhay o life cycle ng baboy. Dry Period - Pagpapakasta - Pagbubuntis - Panganganak - Pagpapasuso - Pagwawalay - Pagpapalaki - Dumalaga *Dry Period - mula pagkawalay ng biik hanggang sa maglandi muli ang inahin ay ang panahon ng dry period sa mga nanganak...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Hi Doc,
Ano po kaya possible na cause nung parang pantal sa baboy na parang kagat ng insekto? Paano din po ito maiiwasan? Nagtry na po kami paliguan ng sulfur soap tsaka magpa usok kada hapon e.
Kailangan purgahin. At sprayan ang balat ng combinex dichlofenthaion.