Matamlay o Walang Gana Kumain ang Baboy
Pansin nyo ba minsan matamlay ang baboy or walang gana kumain?
Depende rin kasi yan kung biik, nag papasuso na inahin, sumususo na biik, bagong awat, barako or dumalaga iba iba ang pwede maging sanhi at senyales.

Una mo tignan kung may sugat ba sa paa or kuko, nakakatayo ba ng maayos, may ubo, sipon, lagnat, mainit katawan, tignan mo muna kung ano ang signs and symptoms physically bago ka gumawa ng intervention.
Alam mo ba na kapag bigla mo pinalitan ang feeds o pagkain ng baboy ay hindi nila ito kakainin? Halimbawa sa pag shifting from starter to grower feeds, dapat ay 7 days gradual ang shifting. Dahan dahan palitan sa loob ng 7 araw. Dagdagan ang bagong feeds, bawasan ang luma. Hanggang sa mag 100% bago ang feeds sa ika 7 araw.
Mga pwedeng gawin kung matamlay ang baboy:
*Try mo baguhin ang pagkain tulad ng pagbibigay ng pellet or starter, pre starter. Mas malasa kasi ang mas magatas na feeds tulad sa pre starter pellet.
*Pwede rin magbigay ng used na gulay basta malinis, kangkong, talbos, pinya, mga prutas o gulay na edible or makakain.
*Kung may lagnat magbigay ka ng ant*b**tic.
*Kung may ubo at sipon subukan ang ecolmin para lumabas plema. Vetracin Ultima naman para lumambot plema. Kung may sipon mag vetracin gold sa inuman 5-7 days ihalo sa inuman.
*Kung sipon lang mag Vetracin Gold sa inuman araw araw.
*Sa pampababa ng lagnat mag inject ng Copyr*ne. Kung mainit ang katawan nang baboy senyales na may lagnat ito. Ang lagnat ay sign na may impeksyon ang baboy, mag ant*b**tic ka din 1 ml per 10 kg weight.
*Pwede ka rin magbigay ng vit b complex 1 ml sa dumedede na biik, 2 ml sa bagong awat na biik, 3 ml sa grower stage na biik, 4-5 ml sa dumalaga pataas na edad.
Kung babae ang baboy at nasa 4 month old pataas isa rin itong senyales ng paglalandi. Parehas sa mga bagong awat na inahing baboy, tamad kumain, walang gana ang isang naglalanding baboy.
*Pwede rin mag bigay ng electrolytes na hinahalo sa inuman tulad ng electrogen d+. Or Aquadox at Apralyte naman recommended para sa biik.
*Magdisinfect rin ng kulungan.

Kung may namamaga naman sa mga paa, tuhod ay mag inject ng dexamethasone or dtc 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Baka hindi ka nagpupurga ng baboy? Once a month yan ang recommended na pag purga sa baboy para mamatay ang parasite sa loob at labas ng katawan ng baboy na sumisipsip nutrisyon ng baboy na nag reresulta sa pag tamlay nito.
*Komonsulta sa pinaka malapit na hog technician sa inyong lugar kung may malala itong sakit.
Sana lahat tayo matuto mag assess ng baboy para matukoy natin ang sakit bago mag bigay ng gamot.
https://www.alagangbaboy.com/matamlay-o-walang-gana-kumain-na-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG20240216123347-768x1024.jpghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG20240216123347-150x150.jpgDisease / Vaccine / Vitaminsmatamlay na baboyPansin nyo ba minsan matamlay ang baboy or walang gana kumain? Depende rin kasi yan kung biik, nag papasuso na inahin, sumususo na biik, bagong awat, barako or dumalaga iba iba ang pwede maging sanhi at senyales. Una mo tignan kung may sugat ba sa paa or kuko, nakakatayo ba ng...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Sir Ano Po pwede igamot sa inahin ko 1week Ng nawalay sa mga biik nya kahapon malakas pa kumain Yung inahin Ngayon ayaw na kumain din matamlay Po na nginginig din Yung katawan ano Po pwede ibigay na gamot?
Dehydrated po. Purga, Vitamins Bexan sp, Vitade mga ibibigay mo after walay. Ang sundin mong guide yung pang #5 sa list ng guide para sa tamang pag awat ng inahin.
Hello po sana matulungan nio aq sa prob ko sa mga alagang baboy ko,ngspray po kasi aq ng baygon sa paligid ng kulungan nila sa kadahilanang napakadami po ng lamok.pero kinabukasan po non nanamlay na po sila at ayaw n po nila kumain.puro tubig nlng po cla,5 araw na po ang lumipas ganun parin po cla,,sana matulungan nio po aq
Wag kasi baygon nakaka poison yon. Dapat zonrox po sa damuhan, halaman, stagnant water para mamatay lamok. Sa inuman painomin mo mga vitamins at electrolytes. Vetracin Gold, Aquadox, amoxil yan mga mahuhusay.. sumakit siguro ilong nyan.
Doc matamlay, Di Kumakain, may lagnat, nagsusuka, mainit katawan namumula at nagsusuka.. Anu ping sa kita at gamot maaring apply.
Bexan sp 5 ml para sa matamlay. Copyrine 5 ml inject sa lagnat yan. Sabayan mo pa amoxil sa inuman 5 days para sa lagnat yan. Tapos electrolytes din halo sa inuman araw araw.