Parvo Virus
Para pataasin ang resistensya ng dumalaga habang nagbubuntis o bago pakastahan heto ang ilan sa Bakuna na dapat ibigay sa dumalaga.

6.5 buwan – magbigay ng Anti Pneumonia Vaccine (Mycoplasma Respisure) 2 ml.
7 buwan – magbigay ng Anti Parvo Vaccine, (farrowsure) 2 ml.
7.5 buwan – magbakuna ng Anti Hog Cholera (Coglapest) 2 ml.
Bago mag 8 buwan gulang ay purgahin ang dumalaga ng Latigo 1000 powder, 10g. Ihalo sa isang dakot na feeds ipakain sa umaga dapat gutom sila kasi mapaet yan baka hindi maubos.
8 buwan – mag inject ng vit b complex at vit a,d,e 5 ml each.
Ano ang Parvo Virus?

Maaari makuha ang virus na ito mula sa mga daga, pagkakasakit, barako na may sakit, maruming paligid, mga carrier ng sakit tulad ng ibon at manok na gumagala mula sa ibang farm.
Kung nakalimutan mag bigay ng Anti Parvo Vaccine sa ika 7 buwan, siguraduhin na maibibigay ito 2 weeks bago kastahan ang dumalaga. At muli ito ibibigay sa ika 14 days matapos manganak ito ang mag sisilbing protection sa susunod na pagbubuntis.
Walang gamot sa Parvo Virus, ang meron lang ay bakuna para maiwasan.
Anong gagawin kung na Parvo ka?
Kung nakunan dahil sa parvo, gamitan mo ng oxytocin 1 ml para lumabas ang lahat ng nasa tiyan nito. Sunod na araw ant*b**tic naman 10 ml oxytetra la naman kontra infection. Kung maayos ka mag alaga at nakabalik kondisyon ang baboy ay palipasin mo muna ang isang paglalandi at sa susunod na paglalandi mo na ito pakastahan. Gawen mo lahat ng bakuna at vitamins pati pag purga na binanggit sa taas.
Basahin nyo itong kompletong guide sa pag iinahin at biik, para matutunan ang lahat patungkol sa inahing baboy.
https://www.alagangbaboy.com/bakuna-sa-dumalagang-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-18.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-18-150x150.jpegDisease / Vaccine / Vitaminsbakuna sa dumalagang baboyPara pataasin ang resistensya ng dumalaga habang nagbubuntis o bago pakastahan heto ang ilan sa Bakuna na dapat ibigay sa dumalaga. 6.5 buwan - magbigay ng Anti Pneumonia Vaccine (Mycoplasma Respisure) 2 ml. 7 buwan - magbigay ng Anti Parvo Vaccine, (farrowsure) 2 ml. 7.5 buwan - magbakuna ng Anti Hog Cholera...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
nailabas na po ni mama pig ang mga biik nya bulok po lahat pero dpa lumabas inunan anung pwede itirok sa kanya? thanks po.
Antibiotic 10 ml po sustalin or terramycin LA
good day po. ask ko lng po kung possible ba na ma parvo uli sa next anakan inahin ko? na parvo po kc ngaun sa kakatapos na panganganak. salamat
May bakuna po sa parvo farrowsure 2 ml.
Ma’am nakakaapekto po ba talaga sa ibang baboy kapag mag Inject Ng anti parvo na gamot?
Posible po kung natapon at kumalat nakaen o nadilaan ng baboy. Kaya dapat proper waste disposal ka at disinfection, mag sterilize kadin ng mga gamit.