Tamang Pag Pili sa Inahing Baboy
Ito yung tamang pag pili sa dumalagang baboy na gagawing inahin.
*Sa edad na 4-5 buwan pwede na pumili ng pamalit lahi. Yung iba 2-3 buwan pipili na sila tapos 4-5 buwan titignan kung pasado ba na pamalit lahi.
Maganda gawin inahin ang baboy kung;
*Ang lahi ay marami mag anak.
*7 pares na suso at pantay ang agwat.
*Buhay na suso at hindi inverted.
*Mahabang productive life.
*Matibay ang likod, kuko at paa.
*Mabilis lumaki ang lahi.
*Magandang bulas ang lahi.
*Matipid sa pagkain.
*Maganda katawan.
*Quality na laman.
*Mahaba ang katawan at may arko sa likod.
*Katamtaman haba ng paa at pantay na kuko.
*Maayos na laki at posisyon ng ari.

Ilan lang yan sa mga tips na dapat tignan kung maghahanap ng dumalaga na gagawing inahin.
Piliin ang lahi na Large White – naka taas ang tenga.

o Landrace – nakatakip ang tenga sa mata.

Para sa kompletong guide sa pag iinahin at biik eto basahin nyo po “mamapig guide“
https://www.alagangbaboy.com/paano-gumawa-ng-inahing-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-10.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-10-150x150.jpegGestating / Farrowinginahing baboyIto yung tamang pag pili sa dumalagang baboy na gagawing inahin. *Sa edad na 4-5 buwan pwede na pumili ng pamalit lahi. Yung iba 2-3 buwan pipili na sila tapos 4-5 buwan titignan kung pasado ba na pamalit lahi. Maganda gawin inahin ang baboy kung; *Ang lahi ay marami mag anak. *7 pares...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
July 17, 2023 po sya na AI doc.
Salamat po
Hindi naman namamaga po. Ika 21 days at 42 days po mula a.i nalalaman kung nag lalandi ulit ang baboy.
Doc 2 months na simula na AI Ang inahin Namin. Napansin Namin kanina medyo namaga Ang ati nya. Ito po Ang picture ng ari at Dede nya buntis Po ba? Please reply.thanks in advance
Hindi po yan namamaga dapat swollen reddish kung namamaga. Ang ilalagay mo yung date kung kelan sya nakastahan para mabilang natin ng tama.
Salamat po!