Gamot sa Greasy Pig Disease
Greasy Pig Disease – Ito ay ang impeksyon sa balat ng biik mula sa bacteria na staphylococcus hyicus.
Ang bacteria na ito ay naglalabas ng lason na pumapasok sa sugat ng biik at sumisira sa atay at bato.
Maaaring magkasugat ang biik dahil sa pag-aaway o kagatan sa kapwa biik at pwede rin makuha sa magagaspang o nakatutusok na sahig, alambre o parte ng kulungan.
Maaaring mamatay ang biik na malala ang impeksyon sa bato at atay.
Palatandaan ng Greasy Pig Disease
*Namumula ang mukha, mula sa maliit na sugat o bahagi ng katawan na may sugat.
*Kumakalat hanggang sa buong katawan.
*Kumukulubot ang balat na parang may sebo.
Gamot sa Greasy Pig Disease
*Magbigay ng ant*b**tic 1 ml / 10 kg body weight.
*Maghalo ng electrolyte powder sa inumin tubig ng biik para makaiwas sa dehydration (3-5 days).
Pag iwas sa Greasy Pig Disease
*Siguraduhin na walang galis ang inahing baboy at biik neto na maaaring magsugat sa balat at pumasok ang bacteria.
*Magbigay ng vetracin gold (gamit ang syringe ipainom) sa 7-14 days old na biik. Ito ay may mahinang water soluble premix ant*b**tic na nakatutulong pumuksa sa bacteria. Pwede rin ang aquadox or am*x*l.
*Alisin ang mga nakakasugat na bagay sa loob ng kulungan ng biik. Maglagay ng pabitin na bote bilang laruan upang maiwasan ang kagatan sa kapwa biik.
*Mag disinfect ng kulungan 1 araw bago ang due date ng inahin at panatilihing tuyo ang sahig.
https://www.alagangbaboy.com/greasy-pig-disease/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-55.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-55-150x150.jpegDisease / Vaccine / VitaminsGreasy pig diseaseGreasy Pig Disease - Ito ay ang impeksyon sa balat ng biik mula sa bacteria na staphylococcus hyicus. Ang bacteria na ito ay naglalabas ng lason na pumapasok sa sugat ng biik at sumisira sa atay at bato. Maaaring magkasugat ang biik dahil sa pag-aaway o kagatan sa kapwa biik at...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Ito yong biik ko bakit may Ganon sya enesprayhan ko ng Combinex Ganon parin at unti!-unting namayat ano kay egamot Dito?
May ring worms po. Everyday mo sprayan ng combinex dichlofenthaion dapat nakasulat. Tapos purgahin mo yan once a month.
Mag 3weeks old papo yong biik ko mam/sir pwd pobang purgahin Ng Agmictin?
Atleast nasa 35 days old na biik pwede nang purgahin. Sundin mo lang instruction sa packaging pwede yan.
Salamat po nkakakuha ako ng dagdag kaalaman po sa pagaalaga ng baboy.
Paki share sana sa ibang group.
ung ringworm po ba ng biik n 2 mons.old anu pong gamot
Purgahin mo ng ivermectin at sprayan ng combinex dichlofenthaion.
good pm. greasy pig disease din po ba ito? naspray ko po sya ng combinex. makakatulong po ba for the mean time na hindi pa sya mabisita ng technician namin?
Positive po greasy pig disease. Mag water soluble ka na antibiotic like aquadox, vetracin gold 7-14 days.. maganda may halo rin na electrolytes inuman. Mag saksak kadin oxytetra la 1 ml / 10 kg timbang ng baboy.
Hello po,one time Lang po ba iinject Yung sustalin l a sa may biik na may greasy deseas
Opo 1 ml per 10 kilo timbang ng baboy yan. 1 time lang tapos sa inuman kana bumawe try vetracin gold, aquadox or apralyte 7 days or more.