Matamlay o Walang Gana Kumain ang Baboy

Pansin nyo ba minsan matamlay ang baboy or walang gana kumain?

Depende rin kasi yan kung biik, nag papasuso na inahin, sumususo na biik, bagong awat, barako or dumalaga iba iba ang pwede maging sanhi at senyales.

Matamlay o Wala Gana Kumain na Baboy

Una mo tignan kung may sugat ba sa paa or kuko, nakakatayo ba ng maayos, may ubo, sipon, lagnat, mainit katawan, tignan mo muna kung ano ang signs and symptoms physically bago ka gumawa ng intervention.

Alam mo ba na kapag bigla mo pinalitan ang feeds o pagkain ng baboy ay hindi nila ito kakainin? Halimbawa sa pag shifting from starter to grower feeds, dapat ay 7 days gradual ang shifting. Dahan dahan palitan sa loob ng 7 araw. Dagdagan ang bagong feeds, bawasan ang luma. Hanggang sa mag 100% bago ang feeds sa ika 7 araw.

Mga pwedeng gawin kung matamlay ang baboy:

*Try mo baguhin ang pagkain tulad ng pagbibigay ng pellet or starter, pre starter. Mas malasa kasi ang mas magatas na feeds tulad sa pre starter pellet.

*Pwede rin magbigay ng used na gulay basta malinis, kangkong, talbos, pinya, mga prutas o gulay na edible or makakain.

*Kung may lagnat magbigay ka ng ant*b**tic.

*Kung may ubo at sipon subukan ang ecolmin para lumabas plema. Vetracin Ultima naman para lumambot plema. Kung may sipon mag vetracin gold sa inuman 5-7 days ihalo sa inuman.

*Kung sipon lang mag Vetracin Gold sa inuman araw araw.

*Sa pampababa ng lagnat mag inject ng Copyr*ne. Kung mainit ang katawan nang baboy senyales na may lagnat ito. Ang lagnat ay sign na may impeksyon ang baboy, mag ant*b**tic ka din 1 ml per 10 kg weight.

*Pwede ka rin magbigay ng vit b complex 1 ml sa dumedede na biik, 2 ml sa bagong awat na biik, 3 ml sa grower stage na biik, 4-5 ml sa dumalaga pataas na edad.

Kung babae ang baboy at nasa 4 month old pataas isa rin itong senyales ng paglalandi. Parehas sa mga bagong awat na inahing baboy, tamad kumain, walang gana ang isang naglalanding baboy.

*Pwede rin mag bigay ng electrolytes na hinahalo sa inuman tulad ng electrogen d+. Or Aquadox at Apralyte naman recommended para sa biik.

*Magdisinfect rin ng kulungan.

Tamlay na baboy

Kung may namamaga naman sa mga paa, tuhod ay mag inject ng dexamethasone or dtc 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.

*Baka hindi ka nagpupurga ng baboy? Once a month yan ang recommended na pag purga sa baboy para mamatay ang parasite sa loob at labas ng katawan ng baboy na sumisipsip nutrisyon ng baboy na nag reresulta sa pag tamlay nito.

*Komonsulta sa pinaka malapit na hog technician sa inyong lugar kung may malala itong sakit.

Sana lahat tayo matuto mag assess ng baboy para matukoy natin ang sakit bago mag bigay ng gamot.

143 thoughts on “Matamlay o Walang Gana Kumain ang Baboy”

  1. Ang inahin po namin na buntis malapit napo syang manganak 2 weeks nlng manganak na sya…nilagnat po sya 1 week subra na po ayaw parin tumayo tinurokan napo namin sya nang atibiotic dalawang basis na gusto syang tumayo pro hindi sya makatayo hindi nya kaya…kumain lng po sya na naka hega ano po dapat namin gawin

    Reply
  2. Hello po, ask ko lang po this morning po nanganak po yung inahing baboy ko ayaw nya po kumain maghapon nagwoworry na po ako ano po magandang gawin, mukang nilalagnat na rin po naturukan na po ng antibiotic. Mukang nahirapan po manganak. Maraming salamat po sa agarang pagsagot

    Reply
  3. Good morning Po. Magtatanong Po ako kung pwede mag inject sustalin la sa inahin buntis, Hindi Po kase kumakain? Dalawang buwan na Po buntis.ty

    Reply

Leave a Comment

The maximum upload file size: 120 MB. You can upload: image. Drop files here

error: Please DO NOT COPY our articles. Copyright Infringement under Philippine Law is punishable up to 3 years imprisonment.