Importante na nabasa nyo muna itong guide natin tungkol sa pag pili ng tamang lahi ng baboy na gagawin inahin. Eto po pindutin nyo – “Lahi ng Baboy

After nyo mabasa yung nasa taas na guide about sa Lahi ng Baboy, I assume na large white or landrace ang lahi ng baboy na napili mo. Sunod basahin mo naman itong guide natin tungkol naman sa – “Criteria sa Tamang Pag Pili ng Baboy na gagawin Inahin

Feeding Guide na dapat sundin para sa Baboy na gaawin Inahin.

Pre starter: 36-56 days old, (half kilo / day).
Starter: 57-85 days old, (1 kilo / day).

Grower Stage: 86-120 days mula araw ng panganak ito ay grower stage. Pagkatapos ng grower stage ang susunod na pakain sa dumalagang baboy ay breeder pellet. Ang breeder, developer, gestating, broodsow ay iisang klase lang ng pagkain para sa dumalaga, buntis at bagong awat na inahin. Iba iba lang ang tawag at pangalan depende sa brand name ng feeds pero iisang klase lang yan at focus na contents.

121 days old from birth start kana sa breeder pellet.

2.5 kg – 3 kg / day (daily consumption) breeder pellet para sa dumalaga hanggang sa ito ay bago pakastahan. Hindi dapat masyado mataba o payat ang baboy hanggang sa umabot ng 8 buwan na edad mula panganak or buwan ng pakasta.

Pag-aalaga sa Dry Sow

Pang #3 yung sapat na taba or laki ng baboy na perfect gawing inahin.

Nag uumpisa maglandi ang dumalagang baboy sa edad na 5-6 buwan mula panganak. Ang tamang edad para pakastahan ito ay sa edad na 8 buwan mula panganak para mas mature sila physically at iwas din sa pagsusungit o pangangagat sa biik. Mas develop na kasi yung motherhood sa edad na 8 buwan mula panganak.

Mga Bakuna Bago Pakastahan ang Dumalaga

1. Anti Hog Cholera Vaccine. (coglapest 2 ml) 45 days old from birth dapat na ito ibigay.

2. Anti Pneumonia Vaccine. (mycoplasma respisure 2 ml) Since ibibigay ito sa ika 21 days old ng biik habang dumedede sa inahin ay pwede mo itong ulitin sa ika 6 months old.

3. Anti Parvo Vaccine. (farrowsure 2 ml) ibigay sa ika 7 months old ng dumalaga.

4. Purgahin ng – Latigo 1000 powder 10g sa ika 7 buwan edad. Ihalo sa isang dakot na feeds, ipakain sa umaga 6am yung gutom sya para maubos dahil mapaet yan baka hindi nya makain kung busog sya. 2pm na sa hapon sunod nyang kain. Or inject ng ivermectin 0.1 ml / 2 kg body weight.

5. Inject Vitamins B complex (Bexan Sp 5 ml.) – reproductive enhancer. Ibigay sa ika 7 buwan edad.

6. Vitamin ADE (Viton 5 ml.) – reproductive enhancer. Ibigay sa ika 7 buwan edad.

7. Cecical or v22 Powder (optional) halo sa feeds araw araw – para sa dagdag fertility enhancer, reproductive enhancer, matibay na paa. Anytime naman ito pwede ibigay as for added nutrition.

8. Hustle mag inject ng hiwalay na b complex at ade, pwede ka bumili ng Norovit kasi itong norovit may contents na sya both ade at b complex.

Mga Sign na naglalandi ang Baboy

1. Discharge sa ari (clear mucus).

2. Namamaga ang ari. (Red Swollen)

3. Maingay na parang naghahanap ng Barako.

4. Tamad sa pagkain.

Kapag nagpakita sa kahit alin sa mga sign na yan uumpisahan mo na gawin ang “riding the back test” or “haunch pressure test” – kung saan kailangan tukuran, sakyan o diinan ang likod ng naglalanding baboy. Isagawa ito umaga at hapon, araw araw sa loob ng 4-5 araw. Kapag ang tenga ng baboy ay tumayo at ang katawan ay tumigas at ayaw patinag o kahit itulak mo ayaw gumalaw na animo’y bato – ang tawag dito ay “standing heat” tulad ng picture sa baba. Sa oras nato pwede na sya pakastahan or a.i sa umaga at sa hapon.

Heat Period ng Baboy

Tip: para lumakas ang pag lalandi lalo sa mga silent heater, gawin ang boar exposure 5 minutes sa umaga at hapon. Or pisikan mo ihi ng barako ang naglalanding baboy sa kanyang ilong para mas lalo itong ganahan at lumandi, sa umaga at hapon.

Tip: para makabuo at hindi mamatay ang semilya na ipapasok sa naglalanding baboy, sundin ang nasa baba.

1. Paliguan bago at matapos pakastahan.

2. Araw araw paliguan sa tanghali o sa hapon kung mainit.

Ang sobrang init ay nagdudulot ng heat stress (stroke) sa baboy na siyang papatay sa kapapasok lang na semilya.

Metabolic Heat – ito ay init sa katawan ng baboy na nag mula sa pagkain ng maraming feeds. Ang bagong kasta na baboy ay iniiwasan kumain ng marami para maka iwas sa “Metabolic Heat” na syang papatay sa kapapasok lang na semilya. Bago pakastahan or a.i ang baboy ay bawal ito kumain ng feeds. After 4 hours mo na ito pakainin ng isang dakot lamang na developer pellet (breeder pellet).

Tip: hindi po inaalisan ng unli drinker ang baboy para hindi po sila maubusan ng tubig inumin.

Feeding Guide sa Bagong Kasta na Baboy

Mula araw ng pagkasta;

0-21 days, give 2 kg / day breeder pellet.

22-90 days, give 2.5 kg / day breeder pellet.

91-110 days, give 3 kg / day breeder pellet.

Sa ika 111 days, umpisahan mo na mag bawas ng half kilo feeds kada araw at hanggang sa araw ng panganganak o 114 days (due date) dapat wala na sya kakainin. Puro tubig lang, unli drinker.

Normal naman sa ibang baboy na umabot sa 120 days ang panganganak kaya dapat marunong ka tumingin ng signs nang malapit na manganak ang baboy para ma predict mo yung saktong date kung kailan sya mag lalabor. Kasi start ng 111 days uumpisahan mo na magbawas ng pagkain kaya dapat alam mo tumingin ng signs. 24 hours bago mag labor bawal napo sya kumain, dahil mahihirapan ang baboy sa panganganak.

Paalala po, huwag aalisan ng unli drinker ang baboy.

Sa ika 114 days buntis or sa araw ng due date, kapag walang gatas na lumabas sa pag pisil ng dede o maliit ang dede ng baboy pwede mo palitan ang feeds ng lactation pellet. Kung malaki at mapupula naman ang dede at nalabas ang gatas ay bawal palitan ang feeds, tuloy lang sa breeder pellet para hindi mauwi sa sobrang gatas o MMA na sakit. Pag sobra gatas o over production ay pwede mapanis, manigas at magtae ang mga biik.

Paano Malalaman na Buntis ang Baboy?

1. Hindi na muling nag landi o nag pakita ng senyales ng paglalandi.

2. Mula araw ng kasta bumilang ng 21 days at 42 days. Bago o pagkatapos ng araw na ito, hindi na dapat umulit sa paglalandi ang baboy o magpakita ng senyales nang paglalandi. Ika 21 days kasi ang heat cycle ng baboy. Pwedeng mas maaga o late ng 3 araw sa ika 21 days ay pasok padin ito sa heat cycle.

3. Sa ika 60 at 90 days naman ay makikita ang paglaki ng tiyan ng baboy at pag pula o lobo ng dede pababa.

Vitamins sa Buntis na Baboy

1. Sa ika 85 days at 100 days, give 2.5 ml jectran iron sa buntis na baboy para sa dagdag iron sa katawan ng inahin at para hindi manghina dala ng anemia.

2. Sa ika 105 days, purgahin ng latigo 1000 powder 10g. Ihalo sa isang dakot na feeds ipakain sa umaga 6am kapag ito ay gutom na. Mapaet po ito at hindi makakaen ng baboy kung sobrang dami ang feeds. O kaya ay subukan mag saksak ng pampurga (ivermectin) 0.1 ml / 2 kg bigat ng baboy.

Panganganak ng Baboy (farrowing)

114 days inaasahan na manganganak ang baboy. Normal din na manganak ang ilang baboy sa ika 120 days.

Senyales ng Malapit na Manganak ang Baboy

*Butil Butil na tae tulad sa kambing.

*Nesting – hinuhukay ang harapan gamit ang paa o gumagawa ng paanakan.

*Madalas na pag ihi.

*Pumipintog ang suso at may lumalabas na gatas kapag pinisil. Oras oras po lalo lalakas or dadami labas ng gatas, ito yung sign na bawal na sya kumain.

* May Discharge sa ari – senyales na manganganak na ito o mag uumpisa na ang labor.

Tips: ang buntis na baboy dapat nasa gestating pen na kulungan. Ilipat mo sya sa farrowing pen or paanakan 2 weeks bago ang due date.

Mag disinfect ka muna ng farrowing pen bago lagyan ng baboy. Gamitin mo ang microban gt or major d na disinfectant solution.

Panganganak ng Baboy

Basahin nyo rin itong guide natin na “Mga Dapat Ihanda Bago Manganak ang Baboy“.

Feeding Guide sa Bagong Panganak na Inahin

Day 1 – araw ng panganganak, bawal napo kumain pero dapat naka unli drinker. Ang umpisa ng kain ay kinabukasan na or 24 hours after mag umpisang manganak. Start ka sa half kilo per day lactation pellet + unli drinker. Nirerecommend ko rin ang wet feeding. Araw araw mag add ka ng half kilo per day lactation pellet hanggang sa maka 3 kg per day na kain ang inahing baboy + unli drinker sa ika 6 na araw.

Tip: huwag po hahayaan pumayat ang inahing baboy na nagpapasuso para hindi ito mag lagas or mag lugon.

Bakuna Guide sa Bagong Panganak na Inahin

Day 1: araw ng panganganak, pagkatapos lumabas ang inunan, para maka iwas impeksyon, magbigay ng Oxytetracycline LA 10 ml Sustalin or Terramycin (inject).

Tanong: pwede raw ba powder like amoxil nalang na hahalo sa inuman or feeds? Pwede naman kaso mahina po hindi sapat sa kailangan ng baboy para proteksyon iwas infection sa matres.

Day 2: Pampasigla, Pampagatas, Pampagana Kumain, magbigay ng Vitamin B complex (bexan sp 5 ml).

Day 6: Anti Pneumonia Vaccine, Inject mycoplasma (respisure) 2 ml.

Day 14: Para iwas laglag, luno, dagang patay, patay na biik, makunan, mag  inject ng Anti Parvo Vaccine, give (farrowsure) 2 ml.

Day 30: Awatin at alisin ang inahin sa kulungan sa umaga. Huwag papakainin. Magbigay ng tubig unli drinker.

Day 31: Purgahin sa umaga ng latigo 1000 powder 10g ihalo sa isang dakot na feeds.

Day 32: Magbigay ng vitamin b complex at vit.ade, tulad ng norovit 5 ml or bexan sp 5 ml, viton 5 ml.

Day 33: Flushing, busugin sa sustansya ang baboy 3 kilo feeds gestating pellet per day. Samahan ng electrogen d+ Hanggang sa mag landi ( within 1 week). Subukan din ang cecical powder halo sa feeds araw araw hanggang sa ito ay maglandi.

Para matutunan nyo tamang pag awat sa inahin at maglandi agad within 1 week na awat, etong guide natin basahin nyo “Dry Sow Period

Bakuna sa Bagong Panganak na Biik

Day 3: Kontra anemia, give iron (jectran / dextran) 1 ml.

Day 10: Pampasigla at lakas kumain, give vitamin b complex (bexan sp) 1 ml.

Day 11-15: Anti stress, give Apralyte 2 kutsara ihalo sa 40 ml na tubig gamit ang syringe ipainom or ilagay sa milk bottle feeder para ipadede.

Day 14: Kontra anemia, give iron (jectran) 1 ml.

Day 21: Anti Pneumonia, Mycoplasma Respisure 2 ml.

Day 25: Pampasigla at lakas kumain, give vitamin b complex (bexan sp) 1 ml.

Day 23-33: Anti stress, give Apralyte 2 kutsara ihalo sa 40 ml na tubig inuman.

Day 35: araw ng awat, alisin ang inahin sa kulungan at purgahin ang biik ng Latigo 1000 powder 10g, 1 pakete kada 10 biik ihalo sa feeds. Or para sa mas accurate na pampurga mag saksak ng ivermectin 0.1 ml / 2 kg timbang ng baboy.

Tip: ang biik kasi iba iba ng kondisyon depende sa lahi. Pwede mo na sila awatin dumedede sa inahin sa edad na 28-30 days old or kung malakas na sila kumain. Basta kapag inawat mo biik huwag mo aalisan ng apralyte sa inuman nila kontra stress.

At para naman hindi magtae ang bagong awat na biik ay sundin mo itong guide natin “tamang pag awat sa biik”

Needle size for pig

Paano Turuan Kumain ang Biik (creep feeding)

1. Gumamit ng earlywean booster pellet.

2. Ang isang dakot ay tunawin sa tubig na may apralyte.

3. Ipahid sa dede ng mamapig tuwing ito ay magpapadede.

4. Mas madalas mo ito gagawin ay mas mabilis ito matuto kumain.

5. Edad 17-20 days old nag uumpisa ang oral stage ng biik kung saan natututo ito kumain at uminom ng tubig. Mapapansin mo rin na halos lahat ng matigas na bagay sa loob ng kulungan ay kinakagat na nang biik.

6. Dapat naka handa ang improvise drinker para sa biik na pwede haluan ng apralyte kontra stress at pagtatae.

Pagpapakain sa Biik

Ang number 1 issue kapag bagong awat or bagong bili ang biik ay madalas sila magtae. Basahin nyo itong guide namin para hindi sila mag tae “Tamang Pag awat sa Biik“.

Kapag naman ang biik dumedede pa at any age basta mula 1 day old at napansin mo na nagtatae sya ay may problema po sa inyong kulungan basahin mo itong guide natin “Gamot sa Pagtatae ng Biik“.

https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2023/04/images-41.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2023/04/images-41-150x150.jpegAdministratorGestating / Farrowingbuntis na baboy,farrowingImportante na nabasa nyo muna itong guide natin tungkol sa pag pili ng tamang lahi ng baboy na gagawin inahin. Eto po pindutin nyo - 'Lahi ng Baboy' After nyo mabasa yung nasa taas na guide about sa Lahi ng Baboy, I assume na large white or landrace ang lahi...Gabay sa Tamang Pag-aalaga ng Baboy