Arthritis sa Baboy

Madalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon.

Piglet Joint Arthritis

Palatandaan

*Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik.

*Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa.

*Namamaga at bumubukol ang buto sa paa.

*Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia).
Arthritis sa Baboy
Gamot

*Magbigay ng long acting antib**tic sa apektadong biik 1 ml bawat 10 kg na timbang tulad ng oxytetra LA.

*Pinaka mabisang gamot ay ang kontra pamamaga na inject Dexamethasone or DTC 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.

*Mag bigay rin ng premix water soluble supplement tulad ng vetracin gold, apralyte, aquadox sa loob ng 3-5 days.

Pag-iwas

*Siguraduhing hindi masusugatan ang pinutulang ipin.

*Lagyan ng combinex o betadine ang pinutol na buntot at pusod.

*Mag disinfect ng kulungan (once a month) gamit ang microban gt.

*Alisin ang mga bagay na nakakasugat sa biik na nasa loob ng kulungan.

*Maglagay ng laruan para hindi sila magkagatan.

Arthritis sa Baboy

Madalas rin mangyare ang arthritis sa mga malalaking baboy, panatilihing tuyo ang flooring at alisin ang mga bagay na nakasusugat.

43 thoughts on “Arthritis sa Baboy”

  1. Hello po , kapag mag tuturok po ngayong araw ng Dexamethasone. Ilng araw po ba next eh inject ang antibiotic ? . Sched. Inject ko po ngayon ng vitamins sa biik okay lang rin po bha eh sabay ang dexamethasone (sa may leeg) at belamyl (sa may pwetan) ?

    Reply
    • Sa leeg or pigi pwede basta sa laman or muscle part. After 3 days pwede ulitin. Pwede naman isabay dun sa kabila na part ang saksak.

      Reply
  2. Ano po mas mabisa na antiobiotic sa athritis sa fattener 2months, robipenstrep or oxytetra LA?
    Saka pwede po ba sabayan un ng para sa pamamaga na DTC?
    Maraming salamat po

    Reply
  3. Help naman po yung inahin ko tinubuan ng mga bukol sa likod ng mga tuhod at hindi maka tayo at lumipat naman sa harap ng tuhod ng mga binti nya at nagkakasugat sa ibat ibang parte ng katawan.3 days n din syang hindi nakain tubig lang po ano kaya ang pwedi kung igamot sa kanya po. Maraming salamat sa magiging tugon.

    Reply

Leave a Comment

The maximum upload file size: 120 MB. You can upload: image. Drop files here

error: Please DO NOT COPY our articles. Copyright Infringement under Philippine Law is punishable up to 3 years imprisonment.