Arthritis sa Baboy
Madalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon.
Palatandaan
*Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik.
*Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa.
*Namamaga at bumubukol ang buto sa paa.
*Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia).
Gamot
*Magbigay ng long acting antib**tic sa apektadong biik 1 ml bawat 10 kg na timbang tulad ng oxytetra LA.
*Pinaka mabisang gamot ay ang kontra pamamaga na inject Dexamethasone or DTC 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Mag bigay rin ng premix water soluble supplement tulad ng vetracin gold, apralyte, aquadox sa loob ng 3-5 days.
Pag-iwas
*Siguraduhing hindi masusugatan ang pinutulang ipin.
*Lagyan ng combinex o betadine ang pinutol na buntot at pusod.
*Mag disinfect ng kulungan (once a month) gamit ang microban gt.
*Alisin ang mga bagay na nakakasugat sa biik na nasa loob ng kulungan.
*Maglagay ng laruan para hindi sila magkagatan.
Madalas rin mangyare ang arthritis sa mga malalaking baboy, panatilihing tuyo ang flooring at alisin ang mga bagay na nakasusugat.
https://www.alagangbaboy.com/piglet-joint-arthritis/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG_20221110_141056.jpghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/IMG_20221110_141056-150x150.jpgPiglet / Fattenerpiglet arthritisMadalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon. Palatandaan *Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik. *Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa. *Namamaga at bumubukol ang buto sa paa. *Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia). Gamot *Magbigay ng long...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Help naman po yung inahin ko tinubuan ng mga bukol sa likod ng mga tuhod at hindi maka tayo at lumipat naman sa harap ng tuhod ng mga binti nya at nagkakasugat sa ibat ibang parte ng katawan.3 days n din syang hindi nakain tubig lang po ano kaya ang pwedi kung igamot sa kanya po. Maraming salamat sa magiging tugon.
Antibiotic 1 ml per 10 kg.. oxytetra. Sa sugat may combinex ka. Tapos mag disinfect ka sahig using microban gt.