Madalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon.
Palatandaan
*Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik.
*Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa.
*Namamaga at bumubukol ang buto sa paa.
*Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia).
Gamot
*Magbigay ng long acting antib**tic sa apektadong biik 1 ml bawat 10 kg na timbang tulad ng oxytetra LA.
*Pinaka mabisang gamot ay ang kontra pamamaga na inject Dexamethasone or DTC 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Mag bigay rin ng premix water soluble supplement tulad ng vetracin gold, apralyte, aquadox sa loob ng 3-5 days.
Pag-iwas
*Siguraduhing hindi masusugatan ang pinutulang ipin.
*Lagyan ng combinex o betadine ang pinutol na buntot at pusod.
*Mag disinfect ng kulungan (once a month) gamit ang microban gt.
*Alisin ang mga bagay na nakakasugat sa biik na nasa loob ng kulungan.
*Maglagay ng laruan para hindi sila magkagatan.
Madalas rin mangyare ang arthritis sa mga malalaking baboy, panatilihing tuyo ang flooring at alisin ang mga bagay na nakasusugat.
Hanggat dipo ba nawawala pamamaga dahilan Ng arthritis Ng biik continues lang Po ba ang pagturok 2 days pagitan?
Yes pwede po. Kontra pamamaga yan
Pwde Po ba water soluble lng na gamot Ang ibigay Sa biik na my arthritis?
Dtc dexamethasone 1 ml dapat mas epektib
Sir pwdi ba yong Alamycin LA ibigay ko sa biik kasi napilay at namaga ponyong isang paa niya sa Likoran, 5days Old na po siya ngayon
Dapat DTC dexamethasone 1 ml yan mismo gamot sa paa namamaga.
Arthritis po ba ito namamaga po kasi yung isang binti niya tapos ano po kaya yung mabisang gamot para sa kanya 2 1/2 months na po sya
Dtc at dexamethasone 1 ml kontra sa pamamaga.