Bakuna sa Bagong Panganak na Biik
Day 3: Kontra anemia, give iron (jectran) 1 ml.
Day 10: Pampasigla at lakas kumain, give vitamin b complex (bexan sp) 1 ml.
Day 11-15: Anti stress, give Apralyte 2 kutsara ihalo sa 40 ml na tubig gamit ang syringe ipainom.
Day 14: Kontra anemia, give iron (jectran) 1 ml.
Day 21: Anti Pneumonia (Mycoplasma Respisure) 2 ml.
Day 25: Pampasigla at lakas kumain, give vitamin b complex (bexan sp) 1 ml.
Day 23-33: Anti stress, give Apralyte 2 kutsara ihalo sa 40 ml na tubig gamit ang syringe ipainom or ilagay sa improvise na inuman para matuto sila uminom sa drinker.
Day 30: Araw ng pag awat sa biik. Alisin ang inahin sa kulungan at iwan ang mga biik.
Day 35: Purgahin ang biik. Gumamit ng Latigo 1000 powder, 1 pakete 10g kada 10 biik ihalo sa feeds. Or mag inject ng ivermectin 0.1 ml per 2 kg body weight ng biik.
Sa araw ng walay na stress ang biik kaya ito nagtatae, ang gamot dito ay apralyte 2 kutsara ihalo sa 1 galon na tubig ipainom sa loob ng 5 days.
Dapat ay bakunado ng anti hog cholera vaccine ang mamapig. Ang mga biik naman ay pwedeng bakunahan ng anti hog cholera sa edad na 35 days old from birth. 7-8 months immunity. At maaring magbigay ng booster shot after 1 month.
Feeding Guide sa Bagong Panganak na Biik
Mag umpisang turuan ang biik na kumain mula Day 5 to Day 35 mag lagay ng isang dakot na earlywean feeds sa lalagyan ng pagkain. Tunawin ang konting feeds at ipahid sa suso ng baboy para ito ay makita at makain ng biik. Araw araw ito gagawin hanggang sa matututo ang biik na kumain.
Maaaring umubos ng 8 kilo ng earlywean feeds sa 10 biik sa loob ng 28-30 days.
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day.
Basahin nyo itong guide natin “Tamang Pag awat sa Biik para hindi magtae“.
Para matuto naman kayo mag purga basahin nyo itong nasa guide natin “Tamang Paraan sa Pag Purga“.
Anong edad po pwedeng umpisahang bigyan ng tinunaw na apralyte ang mga biik? Since day 1 po ba pwede na, gamit ang syringe?
Pang #13 sa baba na guide sundin mopo andun po ang schedule.
Hello po admin ,. Tanong ko pang po. Ano po ba pwede ko ipalit sa bexan sp. Wla po kasi bexan sp dito sa lungsod namin.
Any b complex vitamins ang hanapin mo.. yon ang laman ng bexan sp.
Good morning po! Tanong ko lng po kung kelan pwedeng bigyan ng hog cholera ang biik. Nakabili Ko ng 2 heads,Yun na lng daw po ang Hindi naibibigay. Salamat po!
Pwede mo na agad bakunahan kasi 6 months yan effective. Coglapet 1 ml.