Bakuna sa Bagong Panganak na Biik
Day 3: Kontra anemia, give iron (jectran) 1 ml.
Day 10: Pampasigla at lakas kumain, give vitamin b complex (bexan sp) 1 ml.
Day 11-15: Anti stress, give Apralyte 2 kutsara ihalo sa 40 ml na tubig gamit ang syringe ipainom.
Day 14: Kontra anemia, give iron (jectran) 1 ml.
Day 21: Anti Pneumonia (Mycoplasma Respisure) 2 ml.
Day 25: Pampasigla at lakas kumain, give vitamin b complex (bexan sp) 1 ml.
Day 23-33: Anti stress, give Apralyte 2 kutsara ihalo sa 40 ml na tubig gamit ang syringe ipainom or ilagay sa improvise na inuman para matuto sila uminom sa drinker.
Day 30: Araw ng pag awat sa biik. Alisin ang inahin sa kulungan at iwan ang mga biik.
Day 35: Purgahin ang biik. Gumamit ng Latigo 1000 powder, 1 pakete 10g kada 10 biik ihalo sa feeds. Or mag inject ng ivermectin 0.1 ml per 2 kg body weight ng biik.
Sa araw ng walay na stress ang biik kaya ito nagtatae, ang gamot dito ay apralyte 2 kutsara ihalo sa 1 galon na tubig ipainom sa loob ng 5 days.
Dapat ay bakunado ng anti hog cholera vaccine ang mamapig. Ang mga biik naman ay pwedeng bakunahan ng anti hog cholera sa edad na 35 days old from birth. 7-8 months immunity. At maaring magbigay ng booster shot after 1 month.
Feeding Guide sa Bagong Panganak na Biik
Mag umpisang turuan ang biik na kumain mula Day 5 to Day 35 mag lagay ng isang dakot na earlywean feeds sa lalagyan ng pagkain. Tunawin ang konting feeds at ipahid sa suso ng baboy para ito ay makita at makain ng biik. Araw araw ito gagawin hanggang sa matututo ang biik na kumain.
Maaaring umubos ng 8 kilo ng earlywean feeds sa 10 biik sa loob ng 28-30 days.
Pre starter: 36-56 days old, half kilo / day.
Starter: 57-85 days old, 1 kilo / day.
Grower: 86-120 days old, 1.7 kilo / day.
Finisher: 120 pataas, 2.3 kilo / day.
Basahin nyo itong guide natin “Tamang Pag awat sa Biik para hindi magtae“.
Para matuto naman kayo mag purga basahin nyo itong nasa guide natin “Tamang Paraan sa Pag Purga“.
Doc nag inject Nako nang Ecolmin 10ml sa 33kg na baboy. 5days after , may sip on parin. Need na 2nd dose Ecolmin doc?
Safe naman po umulit 10ml ecolmin. Tapos sa inuman mag vetracin ultima ka daily.
Doc, nag 3rd dose na ako makalipas ng 3days same parin may sip on at plema . Okay naman sya pag Hindi naka higa malakas kumain pero pag hihiga na sya tapos tagilid Yun na malakas na parang snore halatang may plema nahihirapan medyo huminga. Help doc , okay lang kaya mag change ako antibiotic, Yung Ecolmin? When dapat pweding Inject kan ulit doc? Natatakot Nako baka may mangyari sa daming Inject na antibiotic.
Ecolmin po gamot yan sa ubo as expectorant. Pampalabas plema. Try mo na din.
Doc okay lang ba 2ml lang yung binigay ko pero estimate 30kg ata pero Hindi ko sure kaya nag 2ml nalang ako. Yan Yung binigay ko na oxytetracycline sustalin LA
Okay lang ba umabot ng 3rd dose doc? Medyo Meron pa kasi Yung sip on natakot kasi ako baka may mangyari kung naparami nang dose. Kapag nakatagilid na nakahiga dun lang siya mag s-snore at medyo Hindi pa okay ang breathing pero kapag Hindi naman nakahiga na nakatagilid goods naman siya, kumakain din .
Safe ung hanggang 1 ml kada 10 kg na timbang ng baboy. After 3-5 days bago ulitin.