Usapang Baboy

Para talagang gulong na paikot ikot ang buhay o life cycle ng baboy.

Usapang Baboy

Dry Period – Pagpapakasta – Pagbubuntis – Panganganak – Pagpapasuso – Pagwawalay – Pagpapalaki – Dumalaga

*Dry Period – mula pagkawalay ng biik hanggang sa maglandi muli ang inahin ay ang panahon ng dry period sa mga nanganak na inahin. Tumatagal ng 4-7 days matapos iwalay ang biik.

*Pagpapakasta (breeding) – pwedeng barako o a.i (artificial insemination) ang gamitin. Ang panahon kung saan naglalandi ang baboy.

*Pagbubuntis (gestation) – tumatagal ng humigit o kumulang 114 days.

*Panganganak (farrowing) – pagsilang ng biik.

*Pagpapasuso (lactation) – tumatagal ng 28-30 days ang pagpapasuso sa biik.

*Pagwawalay (weaning) – aalisin ang inahin sa biik. Aalagaan ang biik hanggang 60 araw sa isang weaning pen o bukod na kulungan.

*Pagpapalaki (fattener) – tumatagal ng 3-4 buwan o kung kailan makuha ang magandang timbang na hindi bababa sa 75-80 kg.

*Pamalit lahi (dumalaga) – alagaan ang biik hanggang 8 buwan (mature age) at ihanda sa pagpapakasta.

Maaari namang tumagal ang dry period kung ang inahing nagpapasuso ay magkakasakit.

Kamusta ang pag-aalaga nyo ng baboy sa inyong lugar?

13 thoughts on “Usapang Baboy”

  1. Hi Doc,

    Ano po kaya possible na cause nung parang pantal sa baboy na parang kagat ng insekto? Paano din po ito maiiwasan? Nagtry na po kami paliguan ng sulfur soap tsaka magpa usok kada hapon e.

    Reply
  2. Natural lng po ba sa inahin nagkakasugat sa katawan buntis na po mag 3months na sa march 6.posible po ba sa kagat Ng lamok un sugat na parang raches

    Reply
  3. Hello po admin bago po ako dto gusto ko pong malaman ang tamang guide sa pagpakain ng mga biik nula pag walay at ang tamang pakain ng inahin… Ano pong mga vitamins sa biik at ng mga inahin para maganda po ang resulta sa mga biik…. Maraming salamat po..

    Reply

Leave a Comment

The maximum upload file size: 120 MB. You can upload: image. Drop files here

error: Please DO NOT COPY our articles. Copyright Infringement under Philippine Law is punishable up to 3 years imprisonment.