Para talagang gulong na paikot ikot ang buhay o life cycle ng baboy.
Dry Period – Pagpapakasta – Pagbubuntis – Panganganak – Pagpapasuso – Pagwawalay – Pagpapalaki – Dumalaga
*Dry Period – mula pagkawalay ng biik hanggang sa maglandi muli ang inahin ay ang panahon ng dry period sa mga nanganak na inahin. Tumatagal ng 4-7 days matapos iwalay ang biik.
*Pagpapakasta (breeding) – pwedeng barako o a.i (artificial insemination) ang gamitin. Ang panahon kung saan naglalandi ang baboy.
*Pagbubuntis (gestation) – tumatagal ng humigit o kumulang 114 days.
*Panganganak (farrowing) – pagsilang ng biik.
*Pagpapasuso (lactation) – tumatagal ng 28-30 days ang pagpapasuso sa biik.
*Pagwawalay (weaning) – aalisin ang inahin sa biik. Aalagaan ang biik hanggang 60 araw sa isang weaning pen o bukod na kulungan.
*Pagpapalaki (fattener) – tumatagal ng 3-4 buwan o kung kailan makuha ang magandang timbang na hindi bababa sa 75-80 kg.
*Pamalit lahi (dumalaga) – alagaan ang biik hanggang 8 buwan (mature age) at ihanda sa pagpapakasta.
Maaari namang tumagal ang dry period kung ang inahing nagpapasuso ay magkakasakit.
Kamusta ang pag-aalaga nyo ng baboy sa inyong lugar?
Good day po…tanong lng po anong dapat gawin sa inahin na nanenegas ang gatas sa dede 2 days po ngayon mula nanganak sya..nelagnat po sya subrang tigas ng gatas nya wlang gatas lumabas..anong dapat kung gawin salamat po
Warm compress po.