Madalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon.
Palatandaan
*Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik.
*Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa.
*Namamaga at bumubukol ang buto sa paa.
*Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia).
Gamot
*Magbigay ng long acting antib**tic sa apektadong biik 1 ml bawat 10 kg na timbang tulad ng oxytetra LA.
*Pinaka mabisang gamot ay ang kontra pamamaga na inject Dexamethasone or DTC 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Mag bigay rin ng premix water soluble supplement tulad ng vetracin gold, apralyte, aquadox sa loob ng 3-5 days.
Pag-iwas
*Siguraduhing hindi masusugatan ang pinutulang ipin.
*Lagyan ng combinex o betadine ang pinutol na buntot at pusod.
*Mag disinfect ng kulungan (once a month) gamit ang microban gt.
*Alisin ang mga bagay na nakakasugat sa biik na nasa loob ng kulungan.
*Maglagay ng laruan para hindi sila magkagatan.
Madalas rin mangyare ang arthritis sa mga malalaking baboy, panatilihing tuyo ang flooring at alisin ang mga bagay na nakasusugat.
Namamaga po ung paa ng Inahin ko e2 po ung nabili ko sa agrivet, Ang tanong po ilang araw ko po e2 ituturok. Do I follow the label na 1-2ml per 10k BW or ung advice sa taas na 2.5ml
Yes po follow nyo dosage sa bottle para sa namamaga yan.
Sir pag ang dumalaga nag ka athritis d po ba cla makamaka tayo?
Oo ang gamot ay dexamethasone or DTC sa poultry supplies