Madalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon.
Palatandaan
*Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik.
*Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa.
*Namamaga at bumubukol ang buto sa paa.
*Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia).
Gamot
*Magbigay ng long acting antib**tic sa apektadong biik 1 ml bawat 10 kg na timbang tulad ng oxytetra LA.
*Pinaka mabisang gamot ay ang kontra pamamaga na inject Dexamethasone or DTC 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Mag bigay rin ng premix water soluble supplement tulad ng vetracin gold, apralyte, aquadox sa loob ng 3-5 days.
Pag-iwas
*Siguraduhing hindi masusugatan ang pinutulang ipin.
*Lagyan ng combinex o betadine ang pinutol na buntot at pusod.
*Mag disinfect ng kulungan (once a month) gamit ang microban gt.
*Alisin ang mga bagay na nakakasugat sa biik na nasa loob ng kulungan.
*Maglagay ng laruan para hindi sila magkagatan.
Madalas rin mangyare ang arthritis sa mga malalaking baboy, panatilihing tuyo ang flooring at alisin ang mga bagay na nakasusugat.
Hello po.yung inahin ko dalawang araw pa lang matapos makastahan.nag alala ako kasi di nya maitayo ng maayos kabilang binti nya.salamat
Physical assesment muna po to check anong issue ng paa. Bago tayo sa gamot.
Paano po ung parang polio? Considered po ba na arthritis? Magagamot ba? Unang linggo palang po ng mga biik ko pagkapanganak
Yes boss arthritis yan.. masakit kase yan kaya hindi nya matapak.
Good pm po.
Bakit po kaya hindi gumagaling ung mga piglets namin. May mga bukol pa rin po kahit nakapagturok na ng sustalin LA at napainom na ng apralyte. Halos lahat po sila same cases po. 😔
Upload mo sana picture. Try mo rin purgahin