Madalas itong tumatama sa biik. Kadalasan na ang bacteria na staphylococcus ang dahilan ng impeksyon.
Palatandaan
*Nakikita sa edad na 2-10 days old na biik.
*Namimilay at madalas hindi maigalaw ang apektadong paa.
*Namamaga at bumubukol ang buto sa paa.
*Maaaring mamatay ang biik kung ang impeksyon ay kumalat sa dugo (septicemia).
Gamot
*Magbigay ng long acting antib**tic sa apektadong biik 1 ml bawat 10 kg na timbang tulad ng oxytetra LA.
*Pinaka mabisang gamot ay ang kontra pamamaga na inject Dexamethasone or DTC 1 ml sa biik, 2 ml sa fattener, 2.5 ml sa inahin.
*Mag bigay rin ng premix water soluble supplement tulad ng vetracin gold, apralyte, aquadox sa loob ng 3-5 days.
Pag-iwas
*Siguraduhing hindi masusugatan ang pinutulang ipin.
*Lagyan ng combinex o betadine ang pinutol na buntot at pusod.
*Mag disinfect ng kulungan (once a month) gamit ang microban gt.
*Alisin ang mga bagay na nakakasugat sa biik na nasa loob ng kulungan.
*Maglagay ng laruan para hindi sila magkagatan.
Madalas rin mangyare ang arthritis sa mga malalaking baboy, panatilihing tuyo ang flooring at alisin ang mga bagay na nakasusugat.
Ilang ML Po na Sustalain La dapat ibigay sa 6days old lng na biik nagka arthritis Po Kasi thank you
Dexamethasone nalang inject mo 1 ml. Kontra pamamaga na yan. Sa sustalin po 1 ml din.
Hello po,pa help nman po,may bukol po SA likod Ng biik q po,ano kaya pwede gamot nito?malaki po cia at matigas😭😭
Luslos yan. Walang gamot dyan.
ung gagawin ko pong inahin bale mag 5 months npo sya malakas nman po kumain nung bata pa po sya may bukol na sa baba ng joints nya til now matigas po at di nman apektado ang pagtayo nya, ask ko lang po kung mawawala papo kya un?.tnx