Ito yung tamang pag pili sa dumalagang baboy na gagawing inahin.
*Sa edad na 4-5 buwan pwede na pumili ng pamalit lahi. Yung iba 2-3 buwan pipili na sila tapos 4-5 buwan titignan kung pasado ba na pamalit lahi.
Maganda gawin inahin ang baboy kung;
*Ang lahi ay marami mag anak.
*7 pares na suso at pantay ang agwat.
*Buhay na suso at hindi inverted.
*Mahabang productive life.
*Matibay ang likod, kuko at paa.
*Mabilis lumaki ang lahi.
*Magandang bulas ang lahi.
*Matipid sa pagkain.
*Maganda katawan.
*Quality na laman.
*Mahaba ang katawan at may arko sa likod.
*Katamtaman haba ng paa at pantay na kuko.
*Maayos na laki at posisyon ng ari.
Ilan lang yan sa mga tips na dapat tignan kung maghahanap ng dumalaga na gagawing inahin.
Piliin ang lahi na Large White – naka taas ang tenga.
o Landrace – nakatakip ang tenga sa mata.
Para sa kompletong guide sa pag iinahin at biik eto basahin nyo po “mamapig guide“
Maraming salamat po doc .basahin ko ito plge . salmat
May lumabas na parang malasadong itlog na puti sa mama pig ko 5 days after ma ai.
Normal lang yan boss, sundin mo lang guide natin sa pag iinahin para hindi makunan, nasa baba pang #1 sa list ng guide.
Maraming salamat po doc