Tamang Pag Pili sa Inahing Baboy
Ito yung tamang pag pili sa dumalagang baboy na gagawing inahin.
*Sa edad na 4-5 buwan pwede na pumili ng pamalit lahi. Yung iba 2-3 buwan pipili na sila tapos 4-5 buwan titignan kung pasado ba na pamalit lahi.
Maganda gawin inahin ang baboy kung;
*Ang lahi ay marami mag anak.
*7 pares na suso at pantay ang agwat.
*Buhay na suso at hindi inverted.
*Mahabang productive life.
*Matibay ang likod, kuko at paa.
*Mabilis lumaki ang lahi.
*Magandang bulas ang lahi.
*Matipid sa pagkain.
*Maganda katawan.
*Quality na laman.
*Mahaba ang katawan at may arko sa likod.
*Katamtaman haba ng paa at pantay na kuko.
*Maayos na laki at posisyon ng ari.

Ilan lang yan sa mga tips na dapat tignan kung maghahanap ng dumalaga na gagawing inahin.
Piliin ang lahi na Large White – naka taas ang tenga.

o Landrace – nakatakip ang tenga sa mata.

Para sa kompletong guide sa pag iinahin at biik eto basahin nyo po “mamapig guide“
https://www.alagangbaboy.com/paano-gumawa-ng-inahing-baboy/https://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-10.jpeghttps://www.alagangbaboy.com/wp-content/uploads/2022/05/images-10-150x150.jpegGestating / Farrowinginahing baboyIto yung tamang pag pili sa dumalagang baboy na gagawing inahin. *Sa edad na 4-5 buwan pwede na pumili ng pamalit lahi. Yung iba 2-3 buwan pipili na sila tapos 4-5 buwan titignan kung pasado ba na pamalit lahi. Maganda gawin inahin ang baboy kung; *Ang lahi ay marami mag anak. *7 pares...Administrator [email protected]AdministratorPag-aalaga sa Baboy
Hi admin pwde bang gAwing inahin ung baboy na may buni ggamutin muna namin tpos ggawing inahin po ….
Oo naman. Purgahin mo muna yan ang gamot sa buni. Ito gamitin mo Ivermectin (pampurga sa baboy)
Gd pm po tanong lng po pwedi po bang gawin inahin yong first baby ng mama pig ko? Kasi sabi nla bawal po gawin inahin kasi first baby dami daw sakit makuha galing sa mama pig.
Pwede basta pasado sa criteria ng pag iinahin. Pinipili kasi yon base sa katawan at sa history ng ina.
Hello po! Magtanong lang po, kapag ang inahin 21 days mula na AI may lumabas na white na napakarami na parang lugaw..may pag asa pa ba siyang mabuntis ulit kapag pina AI ulit?
Reheat yan. Ulit.