Possibleng dahil sa labis na katabaan o kapayatan kaya ayaw o matagal bumalik sa paglalandi ang Inahing Baboy.
Mga dahilan;
*Impeksyon sa matris dahil sa panganganak.
*May mabaho at puting likido na lumalabas sa ari ng inahin (uti).
*Pagkakasakit ng inahin tulad ng ubo o lagnat.
*Sobrang taba o payat ng inahin.
*Silent Heater.
Mga dapat gawin;
*Boar Exposure – nose to nose contact iharap sa inahing baboy ang naglalaway na barako sa loob ng 5 minutes tuwing hapon.
*Isama o ihalo ang ayaw maglanding baboy sa mga fattener o iba pang inahin para ma stress.
*Huwag pakainin sa loob ng 1 araw para ma stress.
*Turukan ng pampalandi prostaglandin F2-alpha (PGF2-a).
*Best Option – humingi ng ihi o semilya ng barako sa mga nag seservice, pisikan sa ilong tuwing hapon ang ayaw maglandi na baboy.
Pag naturukan na ng gonadin ay possibleng bumalik sa paglalandi matapos ang 3 araw subalit pakatandaan na hindi lahat ng natuturukan ng prostaglandin ay fertile ang paglalandi.
Ano pa ginagawa nyo para bumalik sa paglalandi ang inahing baboy nyo?
Yung dumalaga ko po 7 months na mula panganak po. Sabi po nung tumingin, maliit daw po ang ari. Tapos hindi po siya naglalandi. Namumula lang po ang kanyang ari. Ano po b ang dapat ko po gawin? Nammroblema po kasi ako baka mahirapan ito ilabas ang biik pag nanganak.
Ah may nag reply na sa chatbox kakabasa ko lang sundin mo nalang payo ni doc.
Yung dumalaga KO po na baboy maglandi Siya nung 6 months Siya pero nung 7 months na Hindi na Siya maglandi ..
Boar exposure po or pisikan mo ihi ng barako sa ilong tuwing hapon kapag 21 days napo mula sa huling paglalandi.
Ung inahin kopo mahirap malaman Kong kilan xa Kandi kc namumula lng maigi ang ari nya pag ka tinuonan sa likod d po nataas ang tenga nya buntot lng po at nakaliad xa.
Umaga at hapon mo sakyan tapos pisikan mo sa ilong ng ihi ng barako para lumakas landi