Ayaw maglandi ng Baboy

Possibleng dahil sa labis na katabaan o kapayatan kaya ayaw o matagal bumalik sa paglalandi ang Inahing Baboy.

Ayaw maglandi ng Baboy

Mga dahilan;

*Impeksyon sa matris dahil sa panganganak.

*May mabaho at puting likido na lumalabas sa ari ng inahin (uti).

*Pagkakasakit ng inahin tulad ng ubo o lagnat.

*Sobrang taba o payat ng inahin.

*Silent Heater.

Mga dapat gawin;

*Boar Exposure – nose to nose contact iharap sa inahing baboy ang naglalaway na barako sa loob ng 5 minutes tuwing hapon.

*Isama o ihalo ang ayaw maglanding baboy sa mga fattener o iba pang inahin para ma stress.

*Huwag pakainin sa loob ng 1 araw para ma stress.

*Turukan ng pampalandi prostaglandin F2-alpha (PGF2-a).

*Best Option – humingi ng ihi o semilya ng barako sa mga nag seservice, pisikan sa ilong tuwing hapon ang ayaw maglandi na baboy.

Pag naturukan na ng gonadin ay possibleng bumalik sa paglalandi matapos ang 3 araw subalit pakatandaan na hindi lahat ng natuturukan ng prostaglandin ay fertile ang paglalandi.

Ano pa ginagawa nyo para bumalik sa paglalandi ang inahing baboy nyo?

16 thoughts on “Ayaw maglandi ng Baboy”

    • Pwede naman basta dapat healthy ang baboy kasi baka hindi healthy kaya ayaw mag landi, hindi rin yan magbubuntis kung malnourish.

      Reply

Leave a Comment

The maximum upload file size: 120 MB. You can upload: image. Drop files here

error: Please DO NOT COPY our articles. Copyright Infringement under Philippine Law is punishable up to 3 years imprisonment.