Ang pagkakapon ay ang pagtanggal ng bayag ng biik. Ginagawa ito upang maiwasan ang maanggong amoy at lasa ang karne ng lalaking baboy kapag ito ay umabot sa edad na 5 buwan.
Pinakamagandang gawin ang pagkakapon sa biik sa edad na 10-14 araw para hindi masyadong madugo ang pagkakapon.
Paalala bago magkapon;
*Kapunin lamang ang mga malulusog na biik.
*Siguruhing walang luslos upang hindi magkakomplikasyon.
*Mag disinfect ng kulungan bago ang pagkakapon.
*Maglagay ng antibiotic sa sugat o combinex spray para makaiwas sa impeksyon.
Pagkatapos magkapon;
*Iwasan ma stress ang mga bagong kapon na biik.
*Gumamit ng premix o soluble na antibiotic na may electrolytes.
Pasensya na kayo wala tayong tutorial step by step sa proseso ng pagkakapon.
Ask ko lang po ano po cause ng loslos?
Maling pagkapon po at infection sa pusod kung dipo nag betadine.
pwede din po ba ang injectable na antibiotics gaya ng bacterid?
Pwede naman follow lang sa dosage. Nakasulat sa lagayan.
Ask ko lang po kung may mga kaso ng pagregenerate na testicle ng biik pagkatapos makapon. Salamat po
Wala po boss. Nana un or impeksyon or luslos.