Lahi ng Baboy

Mahalagang malaman ang iba’t ibang lahi ng baboy para makapamili ng maayos kung ito ba ay gagawing inahin o fattener.

Ph Native Pig – kulay itim, bansot, malaki tiyan, mahaba ang mukha. Kadalasan ginagamit na pang lechon dahil sa sukat nito. Maaari din i crossbreed ang itim na native sa puti na lahi sa pamamagitan ng a.i o artificial insemination.

Lahi ng Baboy

Ang mga puting lahi ng baboy naman (pure breed) ay nahahati sa (4) klasi na lahi.

Landrace – puti at nakatakip ang tenga sa mata ng baboy. Mahaba na balingkinitang katawan na may kahinaan ang mga paa. Maraming biik ang inaanak, magaling mag alaga ng biik, matipid sa pagkain at mabilis lumaki.

Lahi ng Baboy

Large White – puti at nakatindig ang tenga. Malapad ang katawan at mukha. Magaling mag alaga ng biik, malakas ang gatas, marami manganak, matipid sa pagkain at mabilis lumaki.

Lahi ng Baboy

Duroc – brown at maliit ang tenga medyo nakababa. Matibay ang paa, matibay sa sakit, mabilis lumaki.

Lahi ng Baboy

Pietrain – puti na may batik na itim. Nakatindig ang tenga, maganda katawan, maganda kalidad ng laman, mahina lumaki kumpara sa large white at landrace at medyo mahina sa stress.

Lahi ng Baboy

*Crossbreeding – pinagsasama sama ang may magagandang lahi para makabuo ng mahusay na inahin o mabilis lumaki na fattener at para makuha ang magandang katangian ng lahi ng baboy.

Kayo po ano ang ginagamit nyong lahi para gawing inahin? Ano rin ang madalas nyong bilhin na biik para gawing fatteners?

3 thoughts on “Lahi ng Baboy”

Leave a Comment

The maximum upload file size: 120 MB. You can upload: image. Drop files here

error: Please DO NOT COPY our articles. Copyright Infringement under Philippine Law is punishable up to 3 years imprisonment.