Madalas mangyari tuwing tag araw kung saan lumalagpas sa 30 degrees ang init ng panahon.
Paano makaiwas sa Heat Stress?
*Paliguan ang baboy kung mainit ang panahon pero huwag babasain ang mga biik.
*Maglagay ng bentilador.
*Magbigay ng electrolytes ihalo sa inumin.
*Iwasan ang palipat lipat na kulungan.
*Maglagay ng nipple drinker.
*Ang pagtunaw ng pagkain ay nagdudulot ng init sa katawan (metabolic heat) lalo na sa nagpapasusong inahin. Bigyan ng pagkain na paunti unti ngunit madalas, iwasan rin itapat sa tanghali ang pagpapakain kung saan tirik ang araw.
Alam nyo ba na Hingal ang isa sa senyales na may Heat Stress ang Baboy?
paanu po kaya gagawin sa nagtatae na biik ng antibiotics na cia kaso ayaw pa rin nia kumain payat na nia mastado
Basahin mo at sundin mo nasa guide natin tungkol sa pagtatae ng baboy andon solusyon. B complex po 1 ml para gumana kumain.
Hello po ask ko lang if anong problema ng inahing baboy na almost 9months na at hinihingal at nag lalaway hindi din humihiga maghapon naka tayo hingal lang ng hingal at nag lalaway hindi din kumain ngayong hapon ano po kaya ang pwedeng gawin sana mareplayan salamt po😊
Naglalandi po siguro. Give ka rin anti stress medication.
Bakit po kaya yung 24 days na samin yung nabili naming biik pag pinapaliguan lumalambot po ang tae. Maari po kayang kulang pa sa edad para sa tamang pagligo?
60 days old ang paligo sa biik. Basahin mo guide naten pang #4 sa list ng guide.