Disinfection sa Kulungan ng Baboy

Biosecurity ang tawag sa paraan ng pag pigil na makapasok ang sakit sa kulungan ng baboy. Nahahati sa 2 bahagi;

Disinfection sa kulungan ng baboy

*External Biosecurity – pinipigilan na makapasok ang sakit mula sa labas papunta sa loob ng kulungan.

*Kung may biniling dumalaga nagagawing inahin.

*Kung may biniling biik na gagawing fattener.

*Quarantine – ang dumalaga at biik na binili sa ibang farm ay dapat sumailalim sa quarantine. Ibukod ng kulungan hanggang 1 buwan. Obserbahan kung may senyales ng anumang sakit.

*Dapat ay 100 meters ang layo nito.

*Magdisinfect rin ng mga gamit sa babuyan, bota, sasakyan o anu mang bagay na labas at pasok sa babuyan.

*Alam nyo ba nag may tinatawag tayong 48 hours rule? Ibig sabihin hindi ka pwede pumunta sa ibang babuyan pagkatapos ng 2 araw.

*Internal Biosecurity – ang pag iwas at pagkontrol ng mga mikrobyo na makikita sa loob ng kulungan.

Paglilinis ng Babuyan

*Maglinis muna ng kulungan ng baboy bago isagawa ang disinfection.

Paraan sa pag Disinfect

*Regular Disinfection – mag disinfect para mapanatili sa mababang dami ang mga mikrobyo sa kulungan. Yung ligtas gamitin kahit na may lamang baboy sa kulungan.

Step 1. Sabunin mo at linisin ang sahig at paligid gamit ang Major D.

Step 2. Mag disinfect gamit ang microban gt.

Kapag may baboy sa loob – 10mL per 1 gallon ng tubig.

Kapag walang laman na baboy sa loob – 40mL per 1 gallon ng tubig.

Footbath o babaran ng paa – 40mL per 1 gallon ng tubig.

May mga instructions po yan sa packaging na dapat sundin bago gamitin.

*Terminal Disinfection – ginagawa ito kung walang hayop sa loob ng kulungan. Mataas na halo ito ng disinfectant na kaya pumatay ng bacteria, virus, fungi at spores. Kaya rin nito patayin ang parvo virus, anthrax at tetanus.

42 thoughts on “Disinfection sa Kulungan ng Baboy”

  1. Good day po. Pa help po.

    Pano po gawin namin. Nagsimula po sa 2 na matamlay inahin namin, higa lang at di kumain. Binenta na lang namin. After a week, merun na naman po naging matamlay na dumaga, binenta na naman namin. Then ung biik namin same po hangang sa namatay. Nagkakahawa po sila. Suspect ko po is pneumonia. Pano po namin incontrol eto na nagexist na po siya? Ung mga naaffected is in 1 area.. merun po kme 3 areas in 1 piggery, so far di pa umabot sa ibang area. Dun sa ibang area 10 po ang buntis.

    Reply
    • Meron anti pneumonia vaccine, pang #23 sa baba na guide. Mycoplasma Respisure. Required vaccine po yan sa lahat ng baboy lalo sa inahin. At gamitin mong disinfectant ay microban gt sa sahig every month.

      Reply

Leave a Comment

The maximum upload file size: 120 MB. You can upload: image. Drop files here

error: Please DO NOT COPY our articles. Copyright Infringement under Philippine Law is punishable up to 3 years imprisonment.