Biosecurity ang tawag sa paraan ng pag pigil na makapasok ang sakit sa kulungan ng baboy. Nahahati sa 2 bahagi;
*External Biosecurity – pinipigilan na makapasok ang sakit mula sa labas papunta sa loob ng kulungan.
*Kung may biniling dumalaga nagagawing inahin.
*Kung may biniling biik na gagawing fattener.
*Quarantine – ang dumalaga at biik na binili sa ibang farm ay dapat sumailalim sa quarantine. Ibukod ng kulungan hanggang 1 buwan. Obserbahan kung may senyales ng anumang sakit.
*Dapat ay 100 meters ang layo nito.
*Magdisinfect rin ng mga gamit sa babuyan, bota, sasakyan o anu mang bagay na labas at pasok sa babuyan.
*Alam nyo ba nag may tinatawag tayong 48 hours rule? Ibig sabihin hindi ka pwede pumunta sa ibang babuyan pagkatapos ng 2 araw.
*Internal Biosecurity – ang pag iwas at pagkontrol ng mga mikrobyo na makikita sa loob ng kulungan.
Paglilinis ng Babuyan
*Maglinis muna ng kulungan ng baboy bago isagawa ang disinfection.
Paraan sa pag Disinfect
*Regular Disinfection – mag disinfect para mapanatili sa mababang dami ang mga mikrobyo sa kulungan. Yung ligtas gamitin kahit na may lamang baboy sa kulungan.
Step 1. Sabunin mo at linisin ang sahig at paligid gamit ang Major D.
Step 2. Mag disinfect gamit ang microban gt.
Kapag may baboy sa loob – 10mL per 1 gallon ng tubig.
Kapag walang laman na baboy sa loob – 40mL per 1 gallon ng tubig.
Footbath o babaran ng paa – 40mL per 1 gallon ng tubig.
May mga instructions po yan sa packaging na dapat sundin bago gamitin.
*Terminal Disinfection – ginagawa ito kung walang hayop sa loob ng kulungan. Mataas na halo ito ng disinfectant na kaya pumatay ng bacteria, virus, fungi at spores. Kaya rin nito patayin ang parvo virus, anthrax at tetanus.
Pano po ba Ang tamang proceso sa pag gamit ng microban gt?ok lang po ba kahit NASA loob Ang mga alagang baboy?
Opo pwede kahit may baboy tapos basahin mo lang sa lalagyan ang instruction hinahalo sa tubig yan
Ilang beses po ba dapat mag disinfect ng kulungan gamit po ang major d???
Salamat po
Every month mas maganda disinfect sa sahig nila
Pwde po ba i spray ang ALGO ZIDE sa loob ng kulungan kahit may baboy sa loob?
Wag boss may amonia po yata yon. Major D or Microban GT po ang tested na pwede may baboy sa loob.