Biosecurity ang tawag sa paraan ng pag pigil na makapasok ang sakit sa kulungan ng baboy. Nahahati sa 2 bahagi;
*External Biosecurity – pinipigilan na makapasok ang sakit mula sa labas papunta sa loob ng kulungan.
*Kung may biniling dumalaga nagagawing inahin.
*Kung may biniling biik na gagawing fattener.
*Quarantine – ang dumalaga at biik na binili sa ibang farm ay dapat sumailalim sa quarantine. Ibukod ng kulungan hanggang 1 buwan. Obserbahan kung may senyales ng anumang sakit.
*Dapat ay 100 meters ang layo nito.
*Magdisinfect rin ng mga gamit sa babuyan, bota, sasakyan o anu mang bagay na labas at pasok sa babuyan.
*Alam nyo ba nag may tinatawag tayong 48 hours rule? Ibig sabihin hindi ka pwede pumunta sa ibang babuyan pagkatapos ng 2 araw.
*Internal Biosecurity – ang pag iwas at pagkontrol ng mga mikrobyo na makikita sa loob ng kulungan.
Paglilinis ng Babuyan
*Maglinis muna ng kulungan ng baboy bago isagawa ang disinfection.
Paraan sa pag Disinfect
*Regular Disinfection – mag disinfect para mapanatili sa mababang dami ang mga mikrobyo sa kulungan. Yung ligtas gamitin kahit na may lamang baboy sa kulungan.
Step 1. Sabunin mo at linisin ang sahig at paligid gamit ang Major D.
Step 2. Mag disinfect gamit ang microban gt.
Kapag may baboy sa loob – 10mL per 1 gallon ng tubig.
Kapag walang laman na baboy sa loob – 40mL per 1 gallon ng tubig.
Footbath o babaran ng paa – 40mL per 1 gallon ng tubig.
May mga instructions po yan sa packaging na dapat sundin bago gamitin.
*Terminal Disinfection – ginagawa ito kung walang hayop sa loob ng kulungan. Mataas na halo ito ng disinfectant na kaya pumatay ng bacteria, virus, fungi at spores. Kaya rin nito patayin ang parvo virus, anthrax at tetanus.
Paano timplahin ang Major D? Gaana karamibg tubig?
20 ml major d + 1 gallon water. Check mo rin sa lalagyan kung ano instructions baka bago na formula eh.
Pwde po ba microban gt sa loob ng kulungan n may baboy sa loob?
Yes po pwedeng pwede
ok lng po ba for regular disinfectant gamit ang mixing mg zonrox 200ml,detergent powder sa 200ml din na water for daily cleaning sa mga kulungan with baboy sa loob po?
Dapat banlawan kung zonrox tapos may laman na baboy, sasakit tyan ng baboy pag nakaen yan.